Isa na namang riot episode ang mapapanood ngayong gabi sa
Daboy en da Girl na pinagbibidahan nina
Rudy Fernandez,
Rosanna Roces at
Alma Moreno.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakasama ang half-brothers na sina
Mark Anthony Fernandez at
Vandolph Quizon bilang mga espesyal na panauhin ng programa.
First time bale ni Mark na makasama ang kanyang mga magulang (Daboy at Ness) sa programa at kasama pa si Vandolph.
o0o
Kumusta na kaya ngayon ang relasyon ng dating mag-asawang
Wendell Ramos at
Margarita Jet Magdangal magmula nang magsalita ang huli sa TV na wife-beater umano ang actor?
Marami talaga ang nagulat sa naging rebelasyon ni Jet tungkol sa ama ng kanyang four-year-old son na si
Wendell Savior Ramos, Jr. dahil kilala ang actor sa pagiging tahimik lamang.
Sa pagkakaalam namin, nagalit umano si Wendell sa ginawa ng kanyang dating misis.
Samantala, showing ngayong Miyerkules, Aug. 20 ang
Keka na pinagtatambalan nina Wendell at
Katya Santos.
Akala ko ba naayos na ang problema sa pagitan nina
Mystica at ang pamunuan ng Cebu Pacific? Kasi kung naayos na ang gusot, bakit kailangan pang mag-ikot ni Mystica sa ibat ibang TV programs para lamang birahin ang Cebu Pacific?
Sa halip kasi na ma-contain ang problema sa kanilang pagitan lamang, alam na tuloy ng buong Pilipinas kung ano ang nangyari sa loob ng Cebu Pacific habang lulan si Mystica pabalik ng Maynila galing Davao. Kung sa palagay niya ay naagrabyado siya ng Cebu Pacific, bakit hindi niya idemanda ang nasabing local airline?
Ang pagkawala ni
Dina Bonnevie sa pelikulang
Mano Po 2 na entry ng
Regal Films sa darating na
Metro Manila Film Festival ay gain namang maituturing ng singer-actress na si
Zsazsa Padilla dahil sa kanya napunta ang role na tinanggihan ng ex-wife ni
Vic Sotto.
Hindi nagdalawang isip si Zsazsa na tanggapin ang alok ni
Mother Lily Monteverde para gumanap sa second wife ng Chinese patriarch na gagampanan naman ni
Christopher de Leon.
As early as now ay marami na ang nag-aabang na mapanood ang kauna-unahang telemovie ng dating mag-asawang
Pops Fernandez at
Martin Nievera na pinamagatang
Sabi Niya, Sabi Ko na pinamahalaan ni
Mark Reyes for
GMA-7 mula sa istorya mismo ni Pops. Makakasama nina Pops at Martin sa telesine sina
Troy Montero,
Richard Gutierrez,
Greg Turvey (bakit hindi na lang si
Brad Turvey?),
Geff Rodriguez,
Chynna Ortaleza,
Jackie Castillejo,
Philip Lazaro,
Jan Marini at
Gerard Pizzaras kasama ang
Whiplash Dancers.
Malapit na ring simulan ni Pops ang kanyang kauna-unahang teleserye sa
GMA, ang
Twin Hearts, kasama sina
Rudy Fernandez,
Dingdong Dantes,
Tanya Garcia at iba pa mula sa direksyon ni
Dominic Zapata at
Eric Salud.
Ngayong Oktubre ay muling magkakasama ang estranged couple sa isang serye ng concert sa Amerika na tatagal hanggang Nobyembre. May milagro kayang mangyari sa dating mag-asawa?
May mga magulang na ginagawang breadwinners ang kanilang mga artistang anak pero marami pa rin sa mga parents ang hindi umaasa sa kita ng kanilang mga anak at gumagawa sila ng sarili nilang pagkakakitaan. Tulad na lamang ng mag-asawang
Dondie at
Alma Prats, ang mga magulang ng magkapatid na
John at
Camille Prats. Kung tutuusin, malaki na ang kinikita nina John at Camille at hindi na kailangan pang mag-worry ang mag-asawa. Pero hindi ganoon ang kanilang panuntunan. Kung anuman ang kinikita ng magkapatid na John at Camille ay nakalaan ito sa kanilang magandang kinabukasan.
Email: a_amoyo@pimsi.net