Isa ring matagumpay na panadero si Renz Verano

Kahit no. 1 na ang SOP sa pagiging concert show on TV, palagi pa silang naghahatid ng magagandang sorpresa sa programa. Tulad noong isang Linggo, sukat ba namang ang Manila Philharmonic Orchestra ang nag-accompany mismo sa lahat ng musical numbers na pawang live!

Wala nang dadaig pa sa concert ng SOP that particular edition. Napakasarap pakinggan ang mga piling awitin sa saliw ng full orchestra.

Noon ngang Linggo, lalong naisip ng mga televiewers na walang pwedeng tumapat sa Sunday noontime top rater ng GMA.

This Sunday tiyak ang isang malaking selebrasyon sa programa. Marami kasi sa mga mainstays ng show ay nakopo ang mga tropeo sa katatapos na Aliw Awards. Ang natatanging gawad na ito ang ibinibigay sa mga live performers.

Ang top plum na Entertainer of the Year ay nakuha ni Ogie Alcasid. Si Lani Misalucha naman ang Best Female Performer in a Major Concert.

Nagwagi si Lani para sa kanyang second Crossover Concert Tour.

Ang nahirang na Best Special Collaboration show, ang Regine Velasquez-Martin Nievera 2003 World Concert Tour. Si Ogie Alcasid pa rin ang nanalo as Best Male Performer in a Mini Concert.

Pangalawang trophy ni Regine ang Best Female Performer Artist in a Mini Concert. Si Nina naman ang Best New Female Artist na siyang award ni Karylle last year na mainstay din sa SOP.

Isa pang SOP attraction ang 604 Band ang nahirang na Best New Group.

Kung nagkaroon ng award para sa Best Female Solo Dance Performer, walang duda na si Regine Tolentino ang mananalo. Dapat ma-suggest sa Aliw Awards na isali ang bagong category para sa mahuhusay nating solo at group dancers. Karapatan din naman nilang parangalan dahil kabilang sila sa mga tunay na live performers.
* * *
Noong Hwebes, Agosto 14, nai- launch ang "Everyday" album ni Renz Verano sa Universal Records, alas-10 pa lang ng umaga, nandoon na siya. Ang okasyon, ala-una pa ng hapon.

Masyado kasing excited si Renz to meet the press. Inamin niyang todo ang nerbyos niya.

"Iba kasi kapag press na ang kaharap," sabi ni Renz. "Talagang kinakabahan ako."

Pinaghandaan niya talaga ang kanyang album launch. Nasa kondisyon ang kanyang boses. Lahat ng mga kinanta ni Renz mula sa title track at first single na "Everyday" hanggang sa isa pang magandang kanta na ang title ay "Isang Libong Dasal," masigla siyang pinalakpakan ng mga dumalo.

Naibigay pa ang mga kantang "Keep On Loving You" (adaptation ng kantang "I’m Sad" ng Taiwanese group na 5566), ang revival na "Tanging Ikaw" na unang pinasikat ni Zander Khan at ang "Ba’t Nahayaan Ka" na isinulat ni Vehnee Saturno, na siyang producer ng album.

Ang nakalimutan ni Renz sa nerbyos niya, ang dadalhing mga tinapay na galing sa kanyang sariling Wagon 44 Bakery sa Pasig. Maunlad ang negosyong ito ni Renz na siyang naghahatid ng mga tinapay sa mahigit na 40 tindahan sa Pasig.

Nangako naman si Renz na lahat ng dumalo sa kanyang presscon ay padadalhan niya ng free samples ng kanyang panaderia.

Habang nagtatanungan sa launching ng album ni Renz, dumating ang mga report mula sa iba’t ibang probinsya. Tuloy ang akyat sa Top Hit charts ng "Everyday" single. No. 1 na ang kanta sa Zamboanga City.
* * *
Ang Masculados ay isa sa mga most in-demand groups ngayon sa buong bansa. Every week na lang, marami silang mga out-of-town live shows sa buong Luzon, Visayas at Mindanao. Halos wala silang pahinga.

Lalo pa ngayon na lumabas na ang kanilang third single from the Masculados album, ang "Macho Papa."

Hanggang sa Palawan, kinukuhang mag-show ang grupo ng mga gwapo. Kabilang sila sa mga main attractions ng Punchline at Laffline sa Quezon City.

Sa mga venue na ito madalas makita si Mahal na meron palang crush kay Kiro Amirante, ang poging myembro ng Masculados. Kilig to the bones si Mahal tuwing napapanood ng live si Kiro.

Di pa siya nagkakasya sa panonood, sumusugod pa siya sa backstage para makurot-kurot si Kiro.

Show comments