^

PSN Showbiz

May asawa na ang isa sa F4?

- Veronica R. Samio -
Marami ang nag-email sa akin, tumawag sa phone at nag-text nang mabasa nila ang isinulat ko rito sa PSN nung Biyernes na may asawa na ang pinakabatang myembro ng F4 na si Vic Zhou, Zhou Yu Ming sa Chinese pero, mas kilala sa pangalan ng character niya sa Meteor Garden na Huazhelei.

Bagaman at obvious na si Jerry Yan (Daomingsi) ang bida sa naturang soap ng ABS CBN na nasa episode 2 na ngayon, mabilis na umaagaw ng kasikatan sa kanya si Vic. Siguro dahil malakas din ang appeal nito, kumakanta rin at napaka-underdog ng role na ginampanan sa popular na palabas.

Katulad ng isinulat ko, na nakuha ko sa internet, asawa si Vic ng kapatid ng gumaganap na San Chai sa MG na si Barbie Wu. At obvious na hindi ito nakaapekto sa kanyang career sapagkat nakaganap pa ito ng lead role sa The Poor Prince, nakagawa ng iba pang palabas, mga komersyal at recording. Napapanood n’yo na ba sila sa napaka-gandang komersyal ng isang softdrink? I’m sure kapag napanood n’yo siya sa Meteor Garden 2, mas mai-in love kayo sa kanyang napakagandang role.

In the past, 5 times nang na-in love si Vic. Ang pinakamatagal na relasyon niya ay isang taon. Nung nasa high school siya ay na-in love siya ng todo sa isang girl pero binasted siya. Sa sama ng loob ay pumayat siya ng husto. I’m sure, nagsisisi na ang girl ngayon, sey n’yo?

Kaya, okay lang kung may dyowa na siya di ba? After all, walang kinalaman ang kanyang status sa kanyang career. Not unless gusto n’yo rin siyang pakasalan.
* * *
Ang saya na naman ng ikatlong Bulacan tour na ginawa naming mga movie press sa paanyaya ni Gov. Josie dela Cruz na sa kabila ng kanyang kaabalahan ay nagawa pang maisingit sa kanyang schedule ang isang pananghalian na kasama sila. (Hindi ako nakapag-overnight na tulad ng nakaraang dalawang taon dahilan sa isang family commitment).

But still nakasama ako sa nakakapagod na paggalugad sa Biak Na Bato, isang historical landmark ng San Miguel, Bulacan na ginawang kuta ni Heneral Emilio Aguinaldo nung pananakop ng mga kastila. Lubhang napakalayo para makita namin ang kabuuan ng lugar. Sa mahigit na dalawang oras namin sa loob ay isang kuweba lamang ang aming nakita bagaman at mayroon daw itong mga 100 kuweba sa loob.

Nagawa rin naming pasyalang muli ang 8 Waves Resort Park sa Pulilan, Bulacan na dinarayo na ngayon. Nung araw na naroon kami, mahigit na 20 bus ng mga ekskarsyunista ang nasa loob.

Sa Setyembre 5-15 ipagdiriwang ang Linggo ng Bulacan. Sisimulan ito ng isang Misa sa Barasoain Church at magtatapos sa isang Paligsahan ng Lakan at Lakambini sa ika-7 ng gabi sa Hagonoy, Bulacan.

In between, magdaraos ng Alay Lakad, Food and Folk Art Fest, Medical Mission workshops, exhibits, trade fair at marami pang iba.

Mayaman sa kasaysayan ang Bulacan na bumubuo sa kasaysayan ng bansa. Dito nagmumula ang maraming bayani ng ating lahi. Dito rin itinatag ang Republika ng Malolos na kung saan itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas.

ALAY LAKAD

BARASOAIN CHURCH

BARBIE WU

BIAK NA BATO

BULACAN

DITO

FOOD AND FOLK ART FEST

ISANG

METEOR GARDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with