Hindi man nag-all the way si Katya rito, ginawa naman niya ang lahat para maging mas malalim ang acting niya bilang isang call center operator na pinatay ang boyfriend ng limang myembro ng fraternity. Hinanap ni Keka ang mga taong pumatay para maghigante.
Si Wendell naman ay isang police detective na gustong malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa boyfriend ni Keka.
Nang magkita sila, pareho silang naghahanap ng atensiyon- si Keka sa pagkamatay ng kanyang boyfriend at si Wendell na katatapos lang noong makipag-break sa kanyang girlfriend.
Doon nila naramdaman na kailangan nila ang isat isa at na in-love sila pero pareho nilang hindi alam na may kanya-kanya silang lihim na itinatago.
Kakaiba ang tema ng pelikula na ngayon lang mapapanood - isang radikal na pelikula na kakaiba.
Magkakaroon ng premiere sa August18, Lunes ang latest movie ni Katya at Wendell, Keka sa isinasagawang Cinemanila International Film Festival sa Greenbelt Cinema 3, 8:30 pm.
Ang Keka ay dinirek ni Quark Henares para sa Viva Films.
Sa August 20 ang regular showing ng pelikula