Mystica nanggulo sa eroplano

By this time, malaking usapan na ang diumano’y panggugulo na ginawa ni Mystica sa loob ng isang eroplano ng Cebu Pacific nung Agosto 9 dahilan sa di nila pagkakaunawaan ng crew ng nasabing airline.

Di niya tinanggal ang kanyang napakataas na sapatos na isang regulasyon na ipinatutupad sa loob ng eroplano. "Okay lang kung ito ay ipinatupad nila sa lahat ng pasahero at hindi lamang sa akin," anang singer na nakasabay kong mag-guest sa Celebrity Dat.Com ng IBC 13 nung Huwebes ng gabi.

Mas lumawak pa ang gap niya at ng crew ng eroplano nang ilang minuto bago lumapag ang eroplano ay lumipat ang kanyang kapatid ng upuan. Nang hilingin itong bumalik sa kanyang kinauupuan ay hindi ito sumunod kaya napilitan ang isa sa mga piloto na makialam sa pagpapalipat dito sa kanyang orihinal na upuan.

"Sa halip na asikasuhin niya ang eroplano dahil papalapag na kami ay mas ginusto pa ng piloto na puntahan ang kapatid ko. Nang hindi ito sumunod sa piloto ay tinakot kami nito na ipaaaresto paglapag na paglapag namin.

"Hindi totoo na sinigawan ko sila pero inaamin ko na medyo tumaas ang boses ko sa pag-uusap namin. Inuulit ko, kasalanan ng flight attendant ang misunderstanding na naganap. At dapat trinato nila kami ng maayos dahil customer kami sa halip na ginawa nila kaming parang mga kriminal," sabi ni Mystica.
* * *
Hindi naman kataka-taka kung dumugin ang mga palabas ni Nyoy Volante and Mannos (Cocoy Aranas, bass; Jerome Nuñez, violin at Glen Dalit, khon) dahil napaka-galing nilang mag-perform.

Inabot ko ang isa sa mga sets nila sa Vaga Verde last week at talaga namang SRO ang nasabing lugar. Ka-alternate nila si
Nina who has also become such a good performer.

Sinabi ng grupo na hindi nila inaasahan na sisikat sila agad. Wala pang isang taon nang mag-decide silang maging isang acoustic group sa halip na banda pero, may album na sila, "Acoustic: Nyoy Volante with Mannos" at isa ito sa pinakamabilis bumenta sa mga record bars. Kamakailan ay nanalo si Nyoy bilang
Best New Male Artist sa 2003 Aliw Awards. Ang carrier singles ng album, "Nasaan" at "What Do I Do" ay sinulat mismo ni Nyoy na maituturing kong isa sa pinaka-magaling na gitarista na nakita ko, ito ay sa kabila ng wala siyang pormal na edukasyon sa musika at ang pagtugtog ng gitara ay weido lamang.

Sinabi ni Nyoy na hindi niya back up ang
Mannos. Ang mga ito ay mahalagang bahagi ng kanyang musical career.
* * *
Napaka-tagal na ng paghihintay ng maraming tagasubaybay ng pelikulang lokal sa pinaka-bagong sexy star na si Juliana Palermo, bida sa pelikula ng Maverick Films na pinamagatang www. XXX.com. Ipalalabas na ito sa mga sinehan sa Agosto 27. Bago ito, isang araw na palabas ito sa ginaganap na Makati Cinemanila International Film Festival.

Dahilan sa mga sex scenes ng pelikula, inaasahan na makakakuha ito ng R rating sa MTRCB. Pero, hindi ito nakakaapekto kay Juliana na ipinagmamalaki ang kanyang unang pelikula.

"Bold ang pelikula, maraming paghuhubad pero kailangan ito sa istorya na base sa mga tunay na pangyayari. May mahalagang leksyon na matututunan dito. Panahon na para malaman natin na isang malaking negosyo ang cyber sex, kumikita ito ng 3 milyon kada taon. Tanggapin man natin o hindi, ang Pilipinas ang porn center ng Asya," anang 18 taong gulang na Fil-Am actress.
* * *
Hindi man natuloy ang solo launching movie ni
Myles Hernandez, isa sa mga Viva Hot Babes, happy na rin siya na mailunsad sa isang pelikula na kasama ang mga kapwa niya Hot Babes na sina Jen Rosendahl, Gwen Garci, Hazel Cabrera at Kristine Jaca.

First Time ang titulo ng pelikula na idinirek ni Lyle Sacris na isang trilogy.

Nasa unang episode si Myles bilang Jane, mas daring siya rito kesa sa
Hot Babes Videoke. "Talagang mapapa-wow ang mga manonood sa pelikula, lalo na dun sa kissing scene namin ni Raymond Bagatsing," ani Myles

Ang
First Time ay isang sexual awakening na ang script ay sinulat ni Quark Henares.

Show comments