Kahit saang umpukan ngayon sa showbiz, si Arnold ang pinag-uusapan. "Grabe rin si Arnold no," comment ng isang showbiz observer nang marinig niya sa isang kuwentuhan ang tungkol dito. "Actually, matagal nang issue yan kaya lang parang walang gustong maniwala noon. Eh ngayon, si Sarah na ang nagsasabi," sabi ng isang matagal nang may alam sa nangyari sa dalawa.
Kung matatandaan, isa si Arnold sa tumulong kay Sarah para maayos ang kaso niya sa Saudi.
Nang i-launch nila ang Insider, nagkataon na kainitan ng mutiny sa Makati kaya marami silang investigative report na nai-present sa viewers.
"Kami mismo ang kumukuha ng story na behind the news. Hindi siya yung usual coverage na iri-report mo ang mga nangyayari. Talagang naghahanap kami nong hindi pa alam ng tao na kailangan nilang malaman," dagdag ni Karen.
Lumalabas mismo si Karen para kumuha ng mga story. Kaya nga admitted siya na mas matrabaho ang Insider kesa sa dating Headlines. "Hindi lang kami basta newsreader dito.
"Ito yung news program na busog ka sa balita."
Hindi naman nahirapang mag-adjust si Karen sa bago niyang partner na si Cito Beltran. Pareho kasi silang born again Christian at prior to Insider, magkaibigan na sila. "Kilala ko na siya before pa," Karen said.
Kaya nga wala na halos oras si Karen sa kanyang anak na almost two years old pero pinipilit niyang gawan ng paraan para magkaroon siya ng time sa asawat anak niya.
Almost three months ding pinag-isipan ang programang ito bago nila sinimulan. Naghanap muna sila ng bagong formula na hinahanap ng viewers. Hanggang maisip nga nilang gawin ang Insider na ngayon nga ay unti-unti nang tumataas ang rating.
Hindi sila afraid na maubusan ng story dahil naniniwala sila na everyday may bagong kuwento na puwede nilang gawan ng investigative report na sa programa lang nila mapapanood.
Isa si Karen sa broadcast journalist na puwedeng sumunod sa yapak ni Loren Legarda. Magaling kasi siyang magsalita and very convincing. "Wala sa plano ko yun." Besides hindi pa raw siya puwede dahil may age qualification sa senado. Kaklase niya si Kris Aquino, meaning 32 years old lang siya.
Ang ABS-CBN Insider ay napapanood weeknight at 11:00 p.m.
Meron din siyang regular exposure sa ASAP Mania na naging way para mas maraming maka-recognize sa kanyang boses. Samantalang, kung tutuusin eh pasali-sali lang siya noon sa mga local singing contest sa Cebu.
Anyway, kung mostly English song ang kasama sa kanyang first album, "Every Step of the Way" like "Anyone Can See" and "You and I," sa "Straight Ahead," majority ng kanta sa album ay Tagalog with only two English songs.
Ang kanyang "Saan Ka Na Ngayon" na carrier single ay most requested song sa AM and FM radio.
"Straight Ahead" is generally a soulful album na siguradong maa-appreciate ng masa.
Available na ito sa lahat ng record bars nationwide.