Tingnan mo nga naman ang kapalaran ng tao. Kung talagang ang tagumpay ay para sa iyo, di mo man ito hanapin, darating at darating ito kung para sa iyo.
Di lamang sa TV namamayagpag si
Allan K. Matagumpay din ang kanyang sing-along bar sa Quezon Ave. na
Klownz. Wala yatang araw na di ito SRO kung kaya kinailangang magtayo siya ng isa pang branch para ma-accommodate lahat ng gustong mag-enjoy sa klase ng entertainment na ibinibigay niya.
Mayroon na isa pang Klowns na matatagpuan sa Araneta Center sa Cubao. Balita ko magkasosyo sila rito ni
Aiai delas Alas na matagumpay na rin bilang isang artista.
Bagay na bagay ang ganitong negosyo kina Allan at Aiai. Tinatao ang mga palabas nila so bakit nga hindi nila ito samantalahin. Lahat ng gustong mapanood sa kanila ay kailangan lamang pumunta sa Klownz at magi-enjoy na sila.
Binabati ko silang dalawa sa kanilang matagumpay na business venture.
Kita mo nga si
Patricia Javier, ang galing rumaket. Dahil mahina ang pelikula ngayon at kahit na patok siya bilang singer ay sinasamantala pa rin ang mga singing offers na dumarating sa kanya ngayon. Nasa US siya ngayon at may mga palabas. Dun nga naman times 54 ang kita niya. Sino ba ang magpapalampas ng ganito kagandang opportunity? Ako rin, di na tumatanggi sa mga shows. Nakatakda nga akong pumunta sa Japan for a series of shows para kay
Bobby Valle, isang dating singer dito na isa nang malaking negosyante dun. Makakasama ko sina Patricia.
John Nite at
Albert Martinez. Darating din dun si
Lirio Vital, isa pa ring magaling nating singer na sumikat nun at nasa US na ngayon. Mapapanood in parts ito sa
Master Showman Presents.
Abangan nyo lang.
Mabuti na lamang at nag-decide si
Lani Misalucha na mag-stay sa
GMA. Im sure napaka-tempting ng naging offer niya. Pero Im sure na-realized niyang mas maraming mas importante sa pera. Tutal naman napaka-rami ng shows niya, di ba Lani?
Tatakbo ba si
FPJ sa darating na eleksyon o hindi? Ito ang itinatanong sa akin ng napakaraming tao. Pero, maghintay na lang tayo ng birthday niya sa August 20, dahil sabi niya, ito ang araw na ibibigay niya ang desisyon niya.
Kung sabagay napakahirap mag-decide lalot sa balikat niya iaatang ng tao ang pagbabagong hinahanap nila sa gobyerno.
Sa proseso ng pag-iisip ng paraan ng pagbabago, nakakalimutan ng mga opisyal ng gobyerno ang serbisyo na dapat nilang ibigay sa tao. Nakakalimutan din nilang may
Diyos na nakabantay sa kanila at naghihintay lamang na hingan nila ng tulong.