Balik-
ABS-CBN ang TV host-comedian na si
Roderick Paulate matapos itong pumirma ng bagong kontrata sa
Star Network para sa dalawa niyang bagong programa-isang teleserye, ang
Sana Ay Ikaw Na Nga at isang weekly sitcom, ang
Ang Tanging Ina na pangungunahan ng pinakabagong comedy queen na si
Aiai delas Alas. Magmula nang mawala si Dick (Roderick) sa
MTB, naging visible siya sa ibat ibang TV guesting sa kabilang istasyon, ang
GMA-7. Katunayan, nagkaroon pa siya ng alok na maging mainstay ng
Daboy en Dagirl kung saan siya naging panauhin sa loob ng limang magkakasunod na episode.
Ang maganda kay Dick, wala siyang bad blood between ABS-CBN at GMA kaya pareho siyang welcome sa dalawang magkalabang istasyon.
Nawala man si Dick sa
MTB, dalawang bagong programa naman ang naging kapalit.
Si Dick ay gaganap na Goliath, ang half-brother ni Ina na gagampanan naman ni Aiai, sa
Ang Tanging Ina na magsisimula nang mapanood ngayong Linggo, Aug. 17 sa ganap na ika-8:30 ng gabi.
Nawala man ang
Arriba! Arriba kung saan si Aiai kasama, agad naman itong nagkaroon ng kapalit, ang
Ang Tanging Ina, isang bagong sitcom na siya mismo ang pangunahing bida.
"Napakabait sa akin ng
Diyos dahil sa mga sunud-sunod na blessings na ibinibigay Niya sa akin," pahayag ni Aiai sa presscon.
Bukod sa
Ang Tanging Ina, isang bagong sitcom na inspired ng kanyang mega-hit launching movie sa
Star Cinema na may ganoon ding pamagat, may tatlo pang ibang regular TV programs si Aiai ang
Whattamen, MTB at ang kanyang musical show sa
ABC-5, ang
Sing-Galing with
Allan K. Tiyak na mabibigyan ng ibang kulay ang pagkakasali ni
Christopher "PJ" Malonzo sa tatlong magkakaibang pelikula na pawang kasali sa darating na
Metro Manila Film Festival Philippines dahil ang kanyang ama, si Caloocan
Mayor Rey Malonzo ang over-all vice chairman ng
MMFFP. Si PJ ay kasama sa pelikulang
Homecoming na pangungunahan ni
Alessandra de Rossi at ang kanyang ikatlong MMFF movie ay ang
Captain Barbel na pinagbibidahan ni
Ogie Alcasid sa ilalim ng
Premiere Productions. Paano kaya sasanggahin ni Mayor Malonzo ang intrigang ito?
Nagpaalam na noong nakaraang Linggo ang bumubuo ng cast ng
Home Along Da Riles na pinangungunahan ng comedy king na si
Dolphy. Pero sila naman ay muling babalik sa sa pamamagitan ng bagong format na
Home Along Da Airport kasama pa rin sina
Nova Villa, Smokey Manaloto, Vandolph, Angeli Gonzales at
Dennis Padilla.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay mamimigay ng tribute o pagkilala ang samahan ng mga movie directors, ang
Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) para sa kanilang mga peers o kasamahan sa trabaho at industriya na tinaguriang
Gawad Direk. Itoy gaganapin ngayong alas-8 ng gabi, Biyernes, Agosto 15 sa AFP Auditorium.
Ang unang limang pararangalan ng
Gawad Direk ay ang hinirang na National Artist na si
Eddie Romero, sina
Celso Ad. Castillo, Emmanuel H. Borlaza, Ronwaldo Reyes (Fernando Poe Jr.) at ang yumaong si
Luciano "Chaning" B. Carlos. Sa darating na Agosto 23 (Sabado) sa ganap na ika-8 ng gabi, magkakaroon ng isang kakaibang artistic dance concert ang
Douglas Nierras Powerdance na gaganapin sa Aliw Theater na matatagpuan sa loob ng Star City Complex. Itoy pinamagatang
Love Powerdance. Although walang direktibang pag-amin na mula kay
Jomari Yllana na sila na ni
Ara Mina, marami ang naniniwala na sila na nga dahil Babes na ang tawag ni Jomari kay Ara at sinabi niya na in a scale of 1 to 10, 9.9 ang pagmamahal na iniuukol niya ngayon sa sexy star na siya niyang karamay nung mga panahon na dapang-dapa siya.
Kahit wala pang commitment sa isat isa sina Jomari at Ara, may mutual understanding na umano ang dalawa.
Klinaro rin ni Jomari na hindi umano si Ara ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang (dating) asawang si
Aiko Melendez. Email:
a_amoyo@pimsi.net