May mga ilang letters kaming natanggap na nagri-request ng attention sa loveteam nina
Patrick Garcia at
Jodi Sta. Maria. Medyo na-miss ata ng mga fans ang dating team up nila sa
Tabing Ilog at may mga ilan ding naiinip na sa pagsasama nila sa
Darating Ang Umaga.
Eto ang sulat ni
Christine Cunanan (
crisndan011@hotmail.com). "Hi there! Please let Patrick and Jodi know that their fans here in Laguna are still looking forward to their next tandem. Since
Tabing-Ilog, hindi na namin kayo nakikita ng madalas. Sayang naman yung na-build-up na samahan nyo. Honestly, alam nyo sumama yung loob namin nang maghiwalay kayo sa
Tabing-Ilog, specially nung mawala si Patrick. We hope that your tandem will be more exciting in
Darating Ang Umaga. We also think that its about time for you to have a solo movie. We hope that
Star Cinema is looking for a material that would fit your tandem. Maghihintay lang kami.
Hindi naman matagal ang hinihintay ng fans nina Jodi and Patrick dahil makikita nyo sila sa up coming na
Star Cinema movie na showing na on August 30, ang
Noon at Ngayon kung saan isa sila sa mga lead star ng pelikula. Im sure di naman malayo na mabigyan ng pansin si Patrick at Jodi dahil ang dalawa ay among the bankable young stars of today at outstanding talaga ang acting abilities nila.
Nakakatuwa ang bagong commercial ng
Lucky Me Pancit Canton na ini-endorse ng mag-amang
Edu Manzano at
Luis Manzano. Di katakatakang kunin ng Lucky Me ang dalawa dahil kakaiba nga naman ang chemistry ng magtatay on screen. Sa pag-guest pa lang ni Luis sa show ng kanyang ama na
Ok Fine Whatever, kitang-kita ang pagiging natural na komedyante ng dalawa. Sa patutsadahan pa lang nina Luis at Edu, nakakatuwa na ang closeness nila. Relate ang mga viewers sa inside joke ng dalawa sa commercial at ang pagsabing ang orig pa rin ang the best. Siguradong mabiling-mabili ang Lucky Me ngayon dahil sa kanila.
Napabilib naman kami sa gesture ng Asias Songbird na si
Regine Velasquez sa 1st anniversary ng
Willingly Yours dahil nag-perform siya ng live at libre para sa mga may kapansanan. Kitang-kita sa itsura ng mga kinantahan nyang bata at matanda ang kaligayahan dahil nasilayan nila ang kanilang idol na si Regine. May munting salo-salo muna para sa lahat sa labas ng Studio 1 sa ABS-CBN compound bago sinimulan ang mini-concert. Nakaka-touch ang eksenang kung saan ay binigyan pa ni Regine ng regalo ang isang batang babae na super idolo siya. At sa pagtatapos ng show binigyan pa ni Regine ng tig-iisang rose ang lahat ng inalayan niya ng awitin ng hapon na iyon. Marami pang inihhandang mga surpresa at bigating artista ang Willingly Yours ngayong buwan kaya naman wag palampasin ito tuwing 4:30 ng hapon tuwing Sabado.
Nakakatuwa naman ang nangyayari sa career ni
Angelika Jones. Talagang ratsada ang dalaga ngayon sa mga showbiz commitments niya at medyo di pa din makapaniwala si Angelika sa mga nangyayari sa kanya. Kahit minsan ay katawa-tawa ang mga ginagawa nya sa TV at lagi siyang feature sa "Stop Me" portion ng
The Buzz ok lang sa kanya dahil namna nakatulogn ito ng malaki sa pagiging mabenta nya sa mga comedy shows sa Dos. Humahataw din sa sayawan si Angelika kaya naman kasali din siya sa
Showgirls sa Folk Arts Theater sa darating na august 30. At dahil din sa tindi ng kanyang paggiling knuha na rin siya ng
ASAP Mania bilang substitute ni
Vina Morales sa paghu-host ng Clash Dance portion habang nagko-concert ang una sa Us this month. May dalawa pa siyang show sa DOS ang
Bastat Kasam Kita" and
Masayang Tanghali Bayan sa portion na
Mahal at
Mura. Very thankful a Angelika sa lahat ng blessing na dumating ngayon sa buhay niya dahl di naman di lingid sa kaalaman ng lahat ang mga trials na nangyari sa kanya. Nagpapasalamat din si Angelika sa kabaitan ng mga taong nakapaligid sa at nangangalaga sa career niya at di siya sinasamantala.