Sa Boracay ang kasal ni Eula
August 13, 2003 | 12:00am
Tahasan ang pag-amin ni Eula Valdez sa kanyang bagong relasyon with a non-showbiz guy named Richard. Maging ang kanyang nalalapit na kasal sa Boracay this December ay hayagan niyang inamin sa ginawang interview ni Boy Abunda for The Buzz.
Biyernes ng gabi after the Extract Therapy Presscon sa Cork Grill ABS-CBN 9501, halata ng marami na blooming ang aktres. Kahit pagod dahil ratsada sa taping ng Darating Ang Umaga at promo ng Noon at Ngayon, aninag sa mukha ng magaling na aktres ang pagkakaroon ng peace of mind after her break-up with Ronnie Quizon.
Sobrang daming dumarating na swerte sa career ni Eula at isa na ritoy ang pagtitiwalang ibinibigay sa kanya bilang isang product endorser. Sinabi ni Extract Therapy Brand Manager Byron Ceralde na si Eula ang unang celebrity endorser para sa nasabing produkto. First choice nila si Eula dahil sa magandang image at karisma nito.
"I wouldnt agree on endorsing the product if I didnt believe in it, more so, if I didnt use it. Its my credibility on the line too," dagdag pa ni Eula.
Marami ang nagtatanong kung mawawala na sa ere ang Home Along Da Riles at kung papalitan daw ba ito ng Tanging Ina TV Series. Para sa kaalaman ng marami, hindi matatanggal ang show ni Mang Dolphy kundi magkakaroon lang ng reformat ang longest running comedy show ng Dos. In fact, last Sunday ay nag-pictorial ang buong cast ng Home Along Da Airport. Halos buong cast sa nasabing show ay bahagi pa rin ng bagong Home Along... maliban lamang ang magsi-settle down na si Angela Velez.
Exciting ang bagong nadagdag sa kapamilya ng programa na sina Camille Prats, John Wayne Sace, Long Mejia, Aubrey Miles at ang anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Alyssa Gibbs. Minsan na ring napanood ang dalagitang Gibbs sa isang guesting niya sa Ok Fine Whatever kaya marahil ay na-impress sa kanya ang Dos at isinama siya sa bagong Home Along...
Ratsada na rin sa taping ang inaabangang Tanging Ina TV Series last week. Mukhang ngayon palang ay patok na ang nasabing programa headed by Comedy Queen Aiai delas Alas. Tinitiyak ng cast at ni Direk Wenn Deramas na magiging kwela ang TV series ng blockbuster movie.
Magkakaroon lang ng changes sa timeslot sa Home Along Da Airport at Tanging Ina. Ang dating Home Along... ang papalit sa timeslot ng Arriba! Arriba! every Saturday night, 8 pm. Samantalang ang Tanging Ina ay magiging every Sunday, 8:30 pm after Wansapanataym.
Speaking of Tanging Ina Series, makakasama bilang isa sa mga anak ni Aiai delas Alas si Ketchup Eusebio. Siya ang gaganap na gay son ni Aiai na originally played by Alwyn Uytingco. Dahil conflict sa schedule ni Alwyn ang taping day ng bagong comedy show ng Dos, naging first choice si Ketchup sa nasabing show. Matatandaang siya ang gumanap na anak ni Tirso Cruz III sa lifestory ng yumaong Babalu sa Maalaala Mo Kaya. Napansin ang magaling na pagganap ng batang aktor sa nasabing show.
Nagbubunga na ang sipag at tiyaga niya na umpisang na-discover sa Royal commercial. Bukod sa Darating Ang Umaga at Berks, ito bale ang pangatlong show ng talented na bagets. Aminado naman si Ketchup na hindi biro ang magpatawa kaya pinagbubuti niya ang trabaho para maging worth naman daw ang pagkapili sa kanya.
Biyernes ng gabi after the Extract Therapy Presscon sa Cork Grill ABS-CBN 9501, halata ng marami na blooming ang aktres. Kahit pagod dahil ratsada sa taping ng Darating Ang Umaga at promo ng Noon at Ngayon, aninag sa mukha ng magaling na aktres ang pagkakaroon ng peace of mind after her break-up with Ronnie Quizon.
Sobrang daming dumarating na swerte sa career ni Eula at isa na ritoy ang pagtitiwalang ibinibigay sa kanya bilang isang product endorser. Sinabi ni Extract Therapy Brand Manager Byron Ceralde na si Eula ang unang celebrity endorser para sa nasabing produkto. First choice nila si Eula dahil sa magandang image at karisma nito.
"I wouldnt agree on endorsing the product if I didnt believe in it, more so, if I didnt use it. Its my credibility on the line too," dagdag pa ni Eula.
Exciting ang bagong nadagdag sa kapamilya ng programa na sina Camille Prats, John Wayne Sace, Long Mejia, Aubrey Miles at ang anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Alyssa Gibbs. Minsan na ring napanood ang dalagitang Gibbs sa isang guesting niya sa Ok Fine Whatever kaya marahil ay na-impress sa kanya ang Dos at isinama siya sa bagong Home Along...
Ratsada na rin sa taping ang inaabangang Tanging Ina TV Series last week. Mukhang ngayon palang ay patok na ang nasabing programa headed by Comedy Queen Aiai delas Alas. Tinitiyak ng cast at ni Direk Wenn Deramas na magiging kwela ang TV series ng blockbuster movie.
Magkakaroon lang ng changes sa timeslot sa Home Along Da Airport at Tanging Ina. Ang dating Home Along... ang papalit sa timeslot ng Arriba! Arriba! every Saturday night, 8 pm. Samantalang ang Tanging Ina ay magiging every Sunday, 8:30 pm after Wansapanataym.
Nagbubunga na ang sipag at tiyaga niya na umpisang na-discover sa Royal commercial. Bukod sa Darating Ang Umaga at Berks, ito bale ang pangatlong show ng talented na bagets. Aminado naman si Ketchup na hindi biro ang magpatawa kaya pinagbubuti niya ang trabaho para maging worth naman daw ang pagkapili sa kanya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended