May isang pelikulang inalok kay
Dina Bonnevie para maging nanay ni
Aubrey Miles pero tumanggi ang aktres dahil may anak na raw ito. Ipinagkibit-balikat na lang ito ni Aubrey dahil ayaw nang patulan si Dina. Baka kung si
Alessandra de Rossi ang maging anak sa movie, baka pumayag pa si Dina.
Nasa tamang edad na si
Jolina Magdangal para magkaroon ng nobyo. Balitang may boyfriend na itong non-showbiz at nabibilang sa iginagalang na angkan. Pero, itinatatwa pa rin ito ni Jolens. Kahit close sila ni
James Blanco ay laging sinasabi ng singer-actress na magkaibigan lang sila at klik ang tambalan sa
Narito Ang Puso Ko.
Naglalagare si Jolens sa kanyang teleseryeng
Narito Ang Puso Ko at pelikulang
Walang Makakapigil (Annie Batungbakal Ngayon) under
Viva Films. Di pa tiyak kung tuloy pa rin ang pelikulang pagsasamahan nila ni
Fernando Poe Jr. dahil balitang magiging abala ito sa kandidatura bilang pangulo ng bansa.
Sunshine, Parang Walang Anak |
Sexy pa rin si
Sunshine Cruz kahit may anak na ito at sa isang production sa
ASAP Mania noong Linggo ay hindi siya natalbugan nina
Assunta de Rossi at
Ciara Sotto.
Mas type pa ni Shine na lumabas na lang muna sa telebisyon dahil prioridad nito ang anak na lumalaki na. Nanatiling matatag ang pagsasama nila ni Buboy (
Cesar Montano) kahit nakaranas din ng pang-iintriga noon bilang battered wife.
Kung kani-kanino nali-link si
Anne Curtis.
Una siyang naging nobya ni
Oyo Boy Sotto at pagkatapos ay naugnay din ang pangalan kina
Cogie Domingo, Lucky Manzano at ngayon naman ay kay
Richard Gutierrez na balitang ka-on nito.
May intriga ngayon na may dalawang reporter na nakakita sa dalawa na naghahalikan sa harap ng Baclaran Church habang pasakay sa van.