May album na si Nyoy Volante

Hindi makakalimutan ni Nyoy Volante at ng acoustic group na Mannos (binubuo nina Glen, Cocoy at Jerome) ang buwan ng Hulyo dahil ini-release ng Vicor Music Corporation ang kanilang pinakahihintay na debut album na pinamagatang "Acoustic: Nyoy Volante With Mannos".

Binubuo ng 12 kanta, kalahati nito ay sariling komposisyon ni Nyoy, kabilang dito ang sikat na kantang "You Are My You" at ang mga revivals na "You Should Know By Now", "Kahit Kailan", "Kahit Ika’y Panaginip Lang" at ang Chuck Mangione original na "Feel So Good" at ang komposisyon ni Ogie Alcasid na "Simple Lang Talaga".

Mabibili na ang "Acoustic: "Nyoy Volante With Mannos" sa mga paboritong record stores sa CDs at cassettes.

Show comments