Sa gitna ng maraming negatibong ispekulasyon, tuloy pa rin ang pagtatanghal ng musical version ng
Himala, ang award-winning film na ginawa ng superstar na si
Nora Aunor sa direksyon ng yumaong si
Ishmael Bernal dalawang dekada na ang nakakaraan. Ito ay gagawin sa CCP Main Theater (Nicanor Abelardo Theater) sa ika-22 hanggang ika-30 ng Oktubre.
Ayon sa Calendar of Events ng Cultural Center of the Philippines, ang
Himala ay tungkol sa walang hanggang pakikibaka ng tao at kanyang paghahanap ng pananampalataya.
Ang
Himala ay base sa libretto ni Ricky, musika ni
Vincent de Jesus, musical direction ni
Chino Toledo at direksyon ni
Soxy Topacio.
Dennis Adobas