Sa palagay ba niya ay hindi siya mapag-iiwanan ng kanyang mga kasamahang artista sa show, pagdating sa paseksihan?
"I promise you HINDI!!! Kung sayawan din lamang ang labanan, handa ako. At hindi rin ako magmumukhang lola nila dahil kung ano ang kaya nilang isuot, kaya ko rin!" madiin niyang sagot.
Samantala, naghahanda siyang pumunta ng Australia bago magtapos ang taong ito para gumawa ng dalawang album. Pupunta siya ng New Zealand, bago sumapit ang December to do some clippings para sa unang single niya na ilalabas na pinamagatang "My Kind Of Love".
"Baka matagalan ako dun not only for the clippings kundi para na rin sa promotion ng single which I hope will become a hit there. Iba kasi gumawa ng album dun, kailangan muna ng several hits which will be compiled into one album."
"Nagkatataka nga ako kung bakit sa comedy ako napunta pero, kung sa tingin ng tao ay nakakatawa ako, ed di okay lang," sabi ng graduate ng kursong clinical psychology na umaming malawak ang background niya sa teatro kaya naman hindi na bago sa kanya ang umarte.
"Sa college, ang tagal kong na-type cast sa role ng bading, two sems akong lumalabas ng bading, baklang kalye, kung kaya lahat ay naniwala nang talagang bading ako. Pati girlfriend ko, iniwan ako dahil akala niya bakla ako.
"Yung filmmaking ko di naman masasayang dahil hanggang ngayon photographer pa rin ako. Åt ang art naman di nawawala, di ba? Kailangan ko lamang ay oras at panahon para dito.
"My real name is Arwin. Nagsimula lang naman ang Tado sa fraternity sa high school, di sa showbiz. Tado na ako nang mag-artista ako.
"Biggest break ko nang mapasama ako sa Pangako Sa Yo nina Jericho at Kristine. Araw-araw kasi ito kaya naging maganda ang exposure ko. But before this, bihira akong mabigyan ng role ng tao, madalas, dwende ako, tutubi, rebulto sa ABS Foundation. Minsan nga sa buong eksena ko frozen ako."
May pamilya na si Tado. Kasal siya sa isang nagtatrabaho bilang isang wardrobe mistress. May tatlo silang anak na puro babae, ang pinakamatanda ay may edad na 61/2. "Pero, mas magaling na artista sa akin ang misis ko. Nasa treatro siya talaga samantalang ako, aksidente lamang.
"Di naman siguro ako lalagi na Tado. May mga ibang bagay pa ako na gustong magawa. Kailangan ko lamang ay pera para ko ito maisakatuparan. Naniniwala ako na ang filmmaking ay para sa mayaman lamang. Mahilig lang talaga ako sa photogtraphy and visuals. Sa March 24, 2004, magkakaroon ako ng birthday exhibit ng photography. Paborito kong subject matter ay ang mga burol sa riles," aniya.