Ayon kay Tiangco, ang negosasyon para sa nasabing commercial ay nagsimula bago pa ibinaba ang memorandum. Maliban pa rito, may ibang talent ng ABS-CBN na pinahintulutang lumabag sa nasabing memo. Dagdag pa ni Tiangco, naipagpaalam niya ito sa presidente ng ABS-CBN na siyang nagbigay ng "verbal consent" o basbas para lumabas sa naturang commercial.
Ayon sa korte, nang isinuspinde "without pay" ng ABS si Tiangco, nagkaroon siya ng karapatang maghanap ng ibang trabaho dahil parang tinapos na ng Dos ang kontrata nito. Dagdag pa ng korte: "The suspension by ABS-CBN of defendant Tiangco without sufficient basis in law and evidence, constitutes a breach of contract..."