Kaso ng ABS-CBN laban kay Mel Tiangco, ibinasura
August 11, 2003 | 12:00am
Sinang-ayunan ng Court of Appeals (CA-G.R. CV No. 66399) ang pagbasura ng Regional Trial Court sa kasong isinampa ng ABS-CBN laban kay Mel Tiangco at GMA-7. Ang kasong ito ay bunsod ng paglipat ni Tiangco sa GMA-7 matapos siyang suspendihin ng ABS-CBN nang siyay gumawa ng pangatlong commercial na ipinagbawal ng Dos base sa isang memorandum na ibinaba ng kompanya noong 1995.
Ayon kay Tiangco, ang negosasyon para sa nasabing commercial ay nagsimula bago pa ibinaba ang memorandum. Maliban pa rito, may ibang talent ng ABS-CBN na pinahintulutang lumabag sa nasabing memo. Dagdag pa ni Tiangco, naipagpaalam niya ito sa presidente ng ABS-CBN na siyang nagbigay ng "verbal consent" o basbas para lumabas sa naturang commercial.
Ayon sa korte, nang isinuspinde "without pay" ng ABS si Tiangco, nagkaroon siya ng karapatang maghanap ng ibang trabaho dahil parang tinapos na ng Dos ang kontrata nito. Dagdag pa ng korte: "The suspension by ABS-CBN of defendant Tiangco without sufficient basis in law and evidence, constitutes a breach of contract..."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended