Inamin ng komedyante na di gaanong kagandahan ang kanyang boses at di pa man nasisimulan ang kanyang recording ay iniisip na nito ang kanyang hirap sa pagpo-promote dahil hirap siyang mag-memorya ng lyrics ng isang awitin. Alam nitong hindi lang iisang kanta ang kanyang babanatan sa promo kaya may mga oras na wala siyang gagawin kundi ang mag-isip ng paraan kung papaano nito makabisa ang labing dalawang awitin sa kanyang gagawing album.
Sisimulan ngayong buwan ng Agosto ang recording ng komedyante at hanggang ngayon ay natatawat di makapaniwalang kung ano ang nasa boses niya para gawing singer recording artist.
Samantala, naging seryoso ang komedyante nang ungkatin sa kanya ang pagiging "under de saya" raw niya. Hindi kailanman siya naging apektado sa naturang bansag dahil alam niyang walang katotohanan iyon. Mahal ng komedyante ang asawa at ayaw nitong mabigyan ng sama ng loob. Alex Datu