^

PSN Showbiz

Bayani, recording artist na rin

-
Natawa si Bayani Agbayani nang ikuwento sa amin kung paano nagka-interest sa kanya ang Alpha Records para gawin siyang recording artist. Positive ang dating sa kanya ng tatak-under de saya dahil puro mga awiting pang-under de saya ang tema ng ire-record nitong mga selection.

Inamin ng komedyante na di gaanong kagandahan ang kanyang boses at di pa man nasisimulan ang kanyang recording ay iniisip na nito ang kanyang hirap sa pagpo-promote dahil hirap siyang mag-memorya ng lyrics ng isang awitin. Alam nitong hindi lang iisang kanta ang kanyang babanatan sa promo kaya may mga oras na wala siyang gagawin kundi ang mag-isip ng paraan kung papaano nito makabisa ang labing dalawang awitin sa kanyang gagawing album.

Sisimulan ngayong buwan ng Agosto ang recording ng komedyante at hanggang ngayon ay natatawa’t di makapaniwalang kung ano ang nasa boses niya para gawing singer recording artist.

Samantala, naging seryoso ang komedyante nang ungkatin sa kanya ang pagiging "under de saya" raw niya. Hindi kailanman siya naging apektado sa naturang bansag dahil alam niyang walang katotohanan iyon. Mahal ng komedyante ang asawa at ayaw nitong mabigyan ng sama ng loob. Alex Datu

vuukle comment

AGOSTO

ALAM

ALEX DATU

ALPHA RECORDS

BAYANI AGBAYANI

INAMIN

NATAWA

SAMANTALA

SISIMULAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with