^

PSN Showbiz

Niño, pinagsisihan na ang pambababae

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Kaunting panahon na lang ang hinihintay ngayon ni Niño Muhlach para sa pagbabalikan nila ni Edith, ang kanyang asawa na dalawang buwan na ang nakararaan ngayon ay nag-alsa-balutan sa El Niño Apartelle, dala ang kanilang anak na si Allesandro Martino.

Sa harap ng milyun-milyong manonood ay nanghingi na siya ng tawad kay Edith, pero dahil sa laki ng kanyang kasalanan ay naging matigas pa rin ito, hindi siya agad tinanggap.

Naghalo ang pawis at luha ni Onin nang tumanggi pa rin si Edith na bumalik sa kanilang bahay, eksenang napanood ng kanyang tiyahing si Amalia Fuentes, kaya agad siyang tinawagan nito.

"Galit si Tita Nena sa akin, bakit daw ako umiyak nang umiyak sa ere, para raw akong tanga! Nagagalit din siya dahil bakit daw ganu’n kung magsalita si Edith?

"Marami raw tumatawag na talk shows sa kanya, gusto ko raw bang siya ang magsalita about the issue? Naku, pinakiusapan ko si Tita Nena, sinabi ko sa kanya na ako ang may kasalanan, kaya I just deserve what Edith did," kuwento sa amin ng dating child wonder.

Sa kanyang opinyon ay lalo lang lalawak ang kanilang gap ni Edith kapag may mga humalo ng iba sa isyu, gusto niya na silang dalawa na lang ang umayos sa gulo. Tutal naman ay silang dalawa lang talaga ang sangkot sa problema.

"Pinagalitan lang ako ni Tita Nena dahil nagmukhang tanga ako du’n sa interview ko, na totoo naman, dahil kahit ako kapag lumalabas ngayon, feeling ko, e, pinagtatawanan ako ng mga tao," sabi uli ni Onin.

Pero wala ngang mukhang tanga kapag pag-ibig na ang paksa, hindi bale nang magmukhang gago pa ang kahit sino, maitawid lang niya ang kanyang emosyon.

Naiintindihan niya kung bakit tumigas nang husto ang puso ni Edith para sa kanya. Matindi ang kanyang kasalanan sa ina ng kanyang anak, dahil sa unang pagkakataon ay inamin ng aktor sa panayam sa kanya ng Showbiz Sabado na nagkaroon ng third party sa kanilang relasyon ni Edith.

"Napakalaki ng nagawa kong kasalanan sa kanya, may nahuli siya sa akin, kaya gusto kong baguhin na ang ways ko. Responsible father ako, pero I can’t say na naging responsible husband ako kay Edith," paliwanag pa ni Niño.
* * *
Sangkot ang pangalan nina Aleck Bovick at Criselda Volks sa gulo. Ang kuwento ay galit ang kanyang ama sa dalawang sexy stars, dahil ang mga ito ang nakakasama ni Niño sa kanyang bisyo.

"Hindi ko pa nakikilala ng personal si Aleck, si Criselda naman, kaibigan ko siya, nakakasama ko siya sa mga out of town shows, pero hindi galit sa kanya si papa!

"Walang dapat ikagalit si papa kay Criselda, lalo na kay Aleck, dahil hindi ko naman siya nakakasama," depensa agad ni Onin.

Taga-showbiz din ang third party sa kanilang relasyon ni Edith, nahuli ito ng kanyang asawa nang minsang tumawag ang babae sa kanilang bahay, at si Edith ang nakasagot sa babae.

"Wala na akong magawa, naka-speaker phone kasi, tapos, tinanong ako nu’ng girl kung sino raw ang mahal ko, siya o ang asawa ko?

"Ano kaya ‘yun, di ba? Tinatanong niya ako kung sino ang mas pipiliin ko sa kanilang dalawa, e, asawa ko ‘yun?" nagpapawis na sabi sa amin ng dating child wonder.

Nang makumpirma ni Edith ang pangyayari ay umalis ito sa kanilang bahay dala-dala si Allesandro. Isang buwan niyang hindi nakita ang kanyang anak, nitong huli na lang niya nahihiram ang napakabibong bata.

"Ayoko kasing maranasan ng anak ko ang nangyari sa akin na hiwalay ang parents ko habang lumalaki ako, gusto ko sanang mapaiba kaming tatlo, pero naging mahina ako sa tukso.

"Iiwasan ko na ang ganu’n, I’ll be more responsible now as a husband and father, magulo ang ganu’n!" pagtatapos ni Niño Muhlach.

AKO

ALECK

ALECK BOVICK

EDITH

KANILANG

KANYANG

ONIN

SIYA

TITA NENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with