Nagtataka ang marami kung bakit tumanggap ng teleserye at pelikula ang aktres na nangangahulugang mamamalagi na siya ng matagal sa bansa. Nagkalamigan na marahil ang mag-asawa dahil nasanay na silang hindi nagkikita nang matagal dahil kapwa abala sa kani-kanilang career ang aktres sa showbiz at ang asawa naman sa kanyang trabaho sa Tate.
Isa sa may pinakamagandang mukha ang aktres na magaling ding umarte at nakilala sa isang sikat na komersyal sa telebisyon noon.
Napagtanto ni Shine na marami palang nagmamahal sa kanya kaya nadama ang kahalagahan ng buhay. Prioridad nito ang career matapos silang maghiwalay ni Miko Sotto. Pero balitang may non-showbiz guy na malakas ang tama sa magandang aktres at laging nakasunod sa kanya, gwapo ang lalaki at pwedeng-pwede rin daw maging artista.
Tatapusin lang nito ang kontrata sa ABS-CBN ngayong Oktubre at magpapakasal na sa nobyong si Roy Ofek (dating bf ni Vina Morales) ngayong Disyembre sa Los Angeles. Inamin ng seksing aktres na gusto na niyang lumagay sa tahimik at maging mabuting asawa at ina ng magiging anak nila. Prioridad ni Angela ang pag-aasawa kaya baka tumigil na rin ito sa showbiz.
Ayon kay Schuster, matagal na niyang pangarap na makagawa ng pelikulang gaya ng Mr. Bones dahil sa universal appeal nito na tiyak na hahangaan dahil itoy puro visual at komedi kaya madaling tanggpin anuman ang kultura ng manonood.
Umikot ang istorya tungkol sa isang batang puti na nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano sa isang lupain sa South Africa. Napalayas nito ang mabangis na leon kay hinangaan at inampon ng tribu ng mga Kabuki. Sa panahon ng kabataan ay natutunan nito ang sining tungkol sa pagbabasa ng mga buto (divining the future) at dito siya binansagang "Bones" na naging daan para mapalapit sa hari ng mga Kabuki na si Tsonga.
Palabas na ang Mr. Bones sa Agosto 13 mula sa Solar Films.