Marunong kumanta si Heart. In fairness sa kanya, it would have been a waste of her singing talent kung pinabayaan na lang ito at hindi hinasa sapagkat hindi na kailangan dahil mas mahalaga ang talento niya sa pag-arte at sa pagiging isang VJ.
Tama ang sinabi niya na hindi siya isang diva, isa siyang singer na nabigyan ng pagkakataon na makagawa ng album. "Dati pa-lip synch lip-synch lamang ako kapag naiimbitahang mag-promote ng aking movies o TV show o kaya ay naiimbita sa mga probinsya. Hindi na ngayon. Singer na ako and I will be sharing this talent to everybody. Kailangang kumanta na ako ng live everytime na mahihilingan akong kumanta,"pagmamalaki niya. Ang she went on to display her newest talent na carry niyang idisplay.
Marami ang bibili ng album ni Heart, lalo na yung mga kabataan dahil para sa kanila ang mga awitin sa album. Mula sa acoustic flavored na "Wag Na Lang" at "Di Na Mahintay", ang hip hop na "Sulat" na kung saan ay sinamahan siya ng rapper na si Gloc 9 hanggang sa nakaka-inspire na "You Can Make It Happen". Kasama rin sa album ang 2003 Himig Handog Love Songs Listeners Choice and Texters Choice awardee "Love Has come My Way". May duet din sila ni John Prats ng awiting "Please Be Careful With My Heart".
Mas aangat ang career ni Heart ngayong may album na siya. At karapatdapat siya sa taguring Pop Jewel.
Ang mga nilalamang awitin ng "Titanium" ay pinaghalong ballad at up-beat tunes, nakaka-relax, touching. Iisa lamang ang Tagalog song sa album, ang sinulat ni Ogie Alcasid na "Nais Ko" na inareglo nina Naldy at Joey Benin.
May kasamang libre VCD ang album. Nagtataglay ito ng video ng "Dream On" at "Love Is Another" at ang plug ng kanilang sponsor, ang Sinutab.