Aware din naman ang dating bold actress (ayaw na niyang balikan ang ganitong uri ng pelikula dahilan sa may anak na siya) na mataba siya kaya nga panay ang pagdi-dyeta niya. Pero dahil matagal bago niya makita ang resulta nang ginagawa niyang pagpapapayat kung kaya sumasailalim siya sa lyposuction sa isang manggagamot na nagngangalang Dr. Calayag. Nakapagbawas na siya ng taba sa baba, tiyan at mga braso. Sa susunod naman ay pababawasan niya ang kanyang pisngi para magkaroon muli ito ng contour at ang harap ng kanyang mga hita.
Kahit inaamin niya na napakasakit na proseso ang lyposuction, "Para akong nasagasaan nung una kong gawin ito," aniya pero, balak niyang i-resume ang kanyang career kung kaya kinakailangang bumalik sa dati ang pangangatawan niya.
"Hindi naman sa balak kong mag-bold muli. Di na pwede, may anak na ako. Pero, gusto kong mag-artistang muli, lumabas sa mga drama," sabi niya.
Very proud siya na ipakita sa lahat ang larawan ng kanyang 1.7 months old na baby girl na pinangalanan niyang Tippi.
Shes filing for an annulment. Bagaman at sinabi niyang okay na sila ng kanyang asawa na dito siya pinakasalan sa Pilipinas, inamin niyang sinasaktan siya nito. Nagsimula ito nang magbuntis siya.
"Magkaibigan kami for the sake of our child. And yes, hes supporting Tippi," dagdag ni Priscilla.
Isang comedy ang dance number na gagawin niya sa Showgirls: A Dance Concert na magaganap sa August 30 sa Folk Arts Theater (FAT).
"Inspired ito ng Austin Powers movie, period, nung 70s and psychedelic," kwento ni Priscilla.
Labingwalong bansa sa mundo ang nag-participate sa global music event na ito. Si Jed ang naging kinatawan ng Pilipinas. Kinanta niya ang mga awitin ni Vehnee Saturno, ang "Labis Akong Umiibig", "Ill Be Around" at "Be My Lady". Napili rin siyang crowd favorite sa three day contest.
Si Jed ay may solo album na ginawa sa Universal Records. Hindi pa lamang ito nairi-release. Mina-manage siya ng Primeline Inc. na pinamumunuan ni Ronnie Henares. Dalawang taon ang ipinaghintay ni G. Henares para mapapayag siya na imaneho nito ang kanyang career.
Para sa kanyang panalo, binigyan siya ng $3,500 na cash money, isang tropeo at isang napakagandang Balalaika, isang parang ukulele, bilang souvenir mula sa bansang kanyang pinanggalingan.
Ang limang direktor na bibigyan ng pagkilala dahilan sa kanilang di mapapantayang mga trabaho at kahalagahan ng kanilang innovations at contributions in filmmaking ay sina Emmanuel Borlaza, Celso Ad Castillo, Ronwaldo Reyes (pangalan ni FPJ bilang direktor), Eddie Romero at ang namayapa nang si Luciano B. Carlos.
Ang Gawad Direk ay isang pagkilala na gagawin ng DGPI sa mga tao sa loob at labas ng industriya ng pelikula na nakapagbigay ng ambag sa edukasyon, appreciation related to film and film advocacies. Sa una ay mga direktor muna ang bibigyan ng tribute pero, sa susunod ay maaaring artista, scriptwriter, cinematographer o maski na movie writer.
Walang limit kung ilan ang bibigyan ng pagkilala at kung gaano kadalas ito ipagkakaloob ng 46 member guild.
Sa unang Gawad Direk, magsisilbing hosts sina Vilma Santos at Boyet de Leon. Si Mark Reyes ang magiging direktor ng palabas.