One time nag-try akong panoorin ang show para nga tingnan kung may nagbago ba since i-relaunch ito. Wala, parang mas worst pa nga dahil panay ang buhat ng sariling bangko ng isang host ng programa na kesyo napapanood daw sila all over the world. Eh ano ngayon?
Saka pala meron pang contest ng mga bakla ba yun - Doble Karaoke na grabe ang kabakyaan. Wala na ba silang ibang maisip na contest?
Yung opening lang na iniikot yung roleta, parang perya na ang dating.
Kulang na lang yung mga rides at banderitas, fiesta na ang show nila.
No wonder, hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakahabol sa Eat Bulaga.
Actually, kung may pinapanood man sa MTB, sina Mikey Ferriols and Cindy Kurleto lang yun.
Nasa clothing business ang boyfriend ni Angela na 32 years old named Roy. Pero ayaw niyang sabihin ang last name. Most probably sa December na sila pakakasal. Next month, naka-schedule siyang umalis papunta ng LA para magkita sila ron ng kanyang papa.
Actually, tama lang yung decision ni Angela. Kesa nga naman maghintay pa siya ng launching movie o sariling TV show, parang malabo na yun although narinig ko na gagawan siya ng sariling VCD katulad ng kay Patricia Javier.
In any case, si Angela ang main attraction sa Showgirls: A Dance Concert. Proven na naman kasi ang galing ni Angela pagdating sa sayawan.
Lalabas daw siya sa isang bulkan dito na ayon sa directors ng show na sina Calvin Neria and Duds Santiago, eh ginastusan ng mga produ.
Production ito ng Live Artists Productions and Red Chair Production. For ticket inquiries, please call Ticketworlds at 891-5610.