Martin, libre sa mga streetchildren
August 6, 2003 | 12:00am
Mayron bang kaibhan ang libre at may bayad na palabas. Libre kasi si Martin sa isang concert na gagawin niya para sa mga streetchildren. Parang sa mga myembro ng Congressional Spouses Foundation, Inc. sa pamumuno ni Gng. Gina de Venecia, wala silang nakikita na magiging kaibhan ng performance ng itinuturing na "Concert King" sa exclusive benefit concert na ibibigay nito sa kanila ng libre sa Agosto 9, 8:00 n.g. sa International Study and Fine Arts Center sa Fort Bonifacio. Bagkus inaasahan nila na magiging isa ito sa pinakamagandang palabas na ihahandog ni Martin sapagkat para ito sa mga batang lansangan, lalo na yung mga drug dependents.
Ang konsyerto na pinamagatang Martin For Children ay magtatampok din sa 70-piece San Miguel Philharmonic Orchestra na nasa pamumuno ni Maestro Ryan Cayabyab who will join forces with Louie Ocampo para mapaganda ang concert na magpapakita ng kagalingan ni Martin sa pag-awit ng mga orihinal niyang love songs, mga hits ni Josh Groban, isang Broadway medley at musical classics ng mga taong 60s at 70s.
Ang mga tiket ay nagkakahalaga ng P2500, P2000 at P1500.
Ang kikitain sa konsyerto ay gagamitin sa pagpapatayo ng Haven for Children, isang nine-building complex na pagtatayuan ng residential cottages, isang Therapeutic Center, Guidance Center para sa mga magulang ng mga streetchildren, isang Livelihood Center, isang Administration Office at isang covered Multi-Purpose Court sa Muntinlupa City.
Sa kasalukuyan, mayroon nang naitatayong apat na cottages sa nasabing lugar na may sukat na kulang-kulang sa isang ektarya at kaloob ng DSWD na siya ring mamamahala ng operasyon ng Haven For Children, tulad ng the Haven for Women.
Sa Agosto 7 pa ang balik ni Martin mula sa mga serye ng konsyerto sa US. Ang araw ng konsyerto ay siya rin ang pumili dahil ito ang araw na libre siya.
Ang working committee para sa Martin For Children ay binubuo nina Kimi Cojuangco at Margie Duavit (Chairpersons), Vicky Ablan (Finance),Kathy Santiago at Chit Baculio (Publicity), Trina Biazon, Shirley Plaza, Anne Gordon (Tickets & Invitations), Ann Dy, Georgia Remulla, Didi Cagas (Physical Arrangement), Sands Estrella, Thelma Murillo (Production) at Shirley Plaza, Bibia Macarambon, Marissa Andaya (Sponsorship).
Sayang at sa halip na dito sa atin ay sa abroad nagku-concentrate si Hannah, singer at recording artist na anak ni Yoyoy Villame. Marami sa mga nanood ng concert na produced ni Eli Formaran nung Biyernes ng gabi sa Downtown ng Rembrandt Hotel ay hindi makapaniwala na magaling pala siyang performer. Magaling din siyang singer. Sayang at wala siyang masyadong exposure dito sa atin.
Kasama niyang nag-perform nung gabing yun si Lovely Mansueto na salamat naman at umatras na sa pagbu-bold. Oo naman. Di naman niya kailangan ito para kumita. Marunong naman siyang kumanta. Ito na lamang ang pagtuunan niya ng pansin.
Ang konsyerto na pinamagatang Martin For Children ay magtatampok din sa 70-piece San Miguel Philharmonic Orchestra na nasa pamumuno ni Maestro Ryan Cayabyab who will join forces with Louie Ocampo para mapaganda ang concert na magpapakita ng kagalingan ni Martin sa pag-awit ng mga orihinal niyang love songs, mga hits ni Josh Groban, isang Broadway medley at musical classics ng mga taong 60s at 70s.
Ang mga tiket ay nagkakahalaga ng P2500, P2000 at P1500.
Ang kikitain sa konsyerto ay gagamitin sa pagpapatayo ng Haven for Children, isang nine-building complex na pagtatayuan ng residential cottages, isang Therapeutic Center, Guidance Center para sa mga magulang ng mga streetchildren, isang Livelihood Center, isang Administration Office at isang covered Multi-Purpose Court sa Muntinlupa City.
Sa kasalukuyan, mayroon nang naitatayong apat na cottages sa nasabing lugar na may sukat na kulang-kulang sa isang ektarya at kaloob ng DSWD na siya ring mamamahala ng operasyon ng Haven For Children, tulad ng the Haven for Women.
Sa Agosto 7 pa ang balik ni Martin mula sa mga serye ng konsyerto sa US. Ang araw ng konsyerto ay siya rin ang pumili dahil ito ang araw na libre siya.
Ang working committee para sa Martin For Children ay binubuo nina Kimi Cojuangco at Margie Duavit (Chairpersons), Vicky Ablan (Finance),Kathy Santiago at Chit Baculio (Publicity), Trina Biazon, Shirley Plaza, Anne Gordon (Tickets & Invitations), Ann Dy, Georgia Remulla, Didi Cagas (Physical Arrangement), Sands Estrella, Thelma Murillo (Production) at Shirley Plaza, Bibia Macarambon, Marissa Andaya (Sponsorship).
Kasama niyang nag-perform nung gabing yun si Lovely Mansueto na salamat naman at umatras na sa pagbu-bold. Oo naman. Di naman niya kailangan ito para kumita. Marunong naman siyang kumanta. Ito na lamang ang pagtuunan niya ng pansin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
54 minutes ago
By Salve V. Asis | 54 minutes ago
54 minutes ago
By Boy Abunda | 54 minutes ago
Recommended