Aktres, nagmimilagro sa van

Masyadong liberated ang sexy actress na ito na mabilis na nakagawa ng pangalan at nagbida agad dahil magaling umarte. Sa kanyang launching movie ay agad siyang umani ng papuri mula sa mga kritiko. Pero ngayon ay puro character role na ang ginagampanan nito sa mga soap opera dahil convincing sa role bilang mataray na kontrbida.

Pero may syete tungkol sa sikat na aktres na ito kung saan may pagkakataon daw na dinadalaw ito ng kanyang non-showbiz boyfriend sa taping. Kapag taping break ay takbo agad ito sa kanyang van kung saan naghihintay ang nobyo. Mahaba-haba ring oras ang kanilang break lalo na kapag sa gabi.

May nakakita na sa isang madilim na lugar kung saan naka-park ang van ng aktres na umuuga ito. Hulaan n’yo na lang kung anong milagro ang ginagawa ng magsyota na talaga namang in-love ngayon sa isa’t isa.
Gustong Magdirek Sa Telebisyon
Hindi sinasadyang nakita ko sa taping ng Click si Yayo Agila at matagal kaming nagkakwentuhan sa kanyang buhay-pamilya ngayon. Kasama ang magandang aktres sa program on semi-regular basis.

Apat na pala ang anak nila ni William Martinez kung saan 15 years old na ang panganay na babae at bunso naman ay two years old. "Kapag may taping ako ay si William ang naiiwan sa bahay at pag pareho kaming may syuting o ibang commitment ay mga anak ko ang nagbabantayan sa isa’t isa.

"Nagkaroon din kami ng tampuhang mag-asawa at minsan nga ay nag-alsa balutan din pero understanding ako kaya naging matatag ang aming pagsasama. Minsan nga ay sobra akong na-touch nang may sabihin sa akin si William na siya sana ang maunang mamatay sa aming dalawa dahil kapag nauna ako sa kanya ay di niya kayang mabuhay mag-isa, di ba sweet?"

Ayon pa rin kay Yayo ay maaasahan sa pagdidirek si William dahil may experience na ito at nakapagdirek na sa telebisyon, kaya lang mahiyain ito di gaya ni Albert na assertive. Gusto niya‘y siya ang lapitan para aluking magdirek. Pero umaasa silang matutupad ang pangarap ng asawa at magtuluy-tuloy na ang career bilang director sa telebisyon at eventually sa pelikula.
Ara-Jom, Tuloy Na Ang Movie
Tuluy-tuloy na ang pagtatambal nina Ara Mina at Jomari Yllana sa pelikulang Feng Shui ng Regal Films. Ang magdidirek nito ay si Don Escudero.

Tiyak na maiintriga ang dalawa at hindi pwedeng hindi kasali ang ex-wife ni Jom na si Aiko Melendez.

Patungong Toronto, Canada si Ara kasama si Joel Lamangan dahil kasali sa Toronto Film Festival ang Huling Birhen sa Lupa na ipinanalo ng magandang aktres sa nakaraang Manila Film Festival bilang best actress.

Sa taong ito ay dalawang pelikula ang ipalalabas ni Ara titled Kalabit at Fantasticman 2.
Ruffa, Nanay Na!
Nanganak ng normal si Ruffa Gutierrez sa Cedar Sinai Hospital sa LA kahapon ng umaga. Ang sanggol na babae na papangalanang Princess Gabrielle Lorin Gutierrez Bektas ay tumitimbang ng 7 lbs at may sukat na 18 inches. Nasa piling ni Ruffa ang kanyang kabiyak na si Yilmaz nung manganak siya. Katunayan, ito ang pumutol ng pusod ng bata.

Show comments