Layunin ng Up Close & Personal na lubusang makatulong sa mga kapuspalad na walang maipagpagamot dahil sa kakapusan sa pera. Kaya naman bukod sa mga regular feature, success stories at mga interviews with successful personalities mula sa entertainment, business, sports at politics, simula bukas Martes, ilulunsad na rin nila ang kanilang portion tungkol naman sa public service. "Nag-focus kami sa positive side of life at siguro dahil sa maganda ang dating nito, we have been fortunate enough na nagbigay sa amin ng suporta ang maraming grupo. Nakipag-ugnayan ako sa Rotary District 3830 at dahil dito, tinatawagan namin ang mga may problema sa mata para sa project naming "Avoidable Blindness".
"Kahit anong age bastat may problema sa mata tulad ng glaucoma, cataract at iba pa, we encourage them to call our office and watch our show for details.
"Nakipagtulungan na rin kami sa Childrens Hour at sa Phil. Band of Mercy at itoy para naman sa mga batang sanggol hanggang years old na may problema sa cleft lip, palate, congenital cataract, glaucoma, squint, orthopedic clubfoot, burns, hydrocephalus meningoceole, hearing impairment at speech therapy, nakahanda rin kaming tulungan sila at libre yan."
Ang UP, Close & Personal ay hatid ng Millicent Productions at para roon sa mga interesadong magpatulong, makipag-ugnayan lang kayo sa opisina nila thru tel. no. 8901001. NG