Very professional din siya kaya sana naman ay magkaroon siyang muli ng pagkakataon na lumabas sa telebisyon at pelikula. Hindi naman ako mapapahiyang sabihin ito dahil kilala ko kung paano magtrabaho si Lander bukod pa sa talagang nasa dugo nito ang pag-aartista.
Wala na silang problema ng asawa niyang si Regine Tolentino bagamat hindi pa sila muling nagsasama, nagmamahalan pa rin naman sila na umaasa na isa sa mga araw na ito ay muling mabubuo ang kanilang pamilya.
Bilib ako sa kasipagan ng magkapatid na ito. Nagbebenta sila ng health and beauty products at marami pang iba.
Magsilbi sana silang inspirasyon sa ibang kabataang artista na mas pinagtutuunan ng pansin ang mga ganitong bagay pag wala silang movie or TV assignments.
Kagagaling lang din ni Antonio sa Amerika kung saan hinatid niya ang kanyang pamilya. Pagdating na pagdating, sugod agad sila sa trabaho - hindi na niya nagawang magpahinga dahil sa rami ng kanyang commitments.
Huwag naman po nating pag-isipan ng masama ang batang yan. Likas ang kasipagan sa kanya yan kaya wag nating pag-isipan ng masama.
Kamakailan lang ay nagkita kami ni Annabelle Rama at binanggit ko ito sa kanya. Ipinaliwanag naman ng ina ni Richard na hinihingi kasi ito ng kanyang character sa mga nilalabasan nitong programa.