Naisip ng mga bisita na labis nitong dinamdam ang paghihiwalay nila ng aktor kung kaya ito nagwawala.
Bata pa ay gusto na ni Angel na maging public servant kaya tumutulong ito sa mga proyektong pangkabataan ng kanilang butihing alkalde. Katunayan ay nabigyan na ito ng karangalan bilang huwarang kabataan ng kanilang lugar.
Isa sa magandang katangian ng aktres ay hindi ito naaapektuhan ng intriga at ginusto pang manahimik na lang para hindi na humaba pa ang mga negatibong isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Victor Neri.
Akala nito ay isang simpleng sinusitis lang ang dinaramdam pero nang tumindi ang sakit ng ulo, nagsuka hanggang naapektuhan ang mata kung saan parang nagiging cross-eyed na ito ay saka lang siya nagpadala sa ospital.
Una siyang dinala sa isang kontrobersyal na pagamutan at sa pagsusuri ay sinabing wala na siyang pag-asa dahil nasa stage 4 na ang cancer na nagmula sa kanyang ilong.
Nagtungo sila ng St. Lukes Hospital for a second opinion at sinimulan siyang gamutin at inoperahan two weeks ago. Panay ang dasal nito bago dalhin sa operating table. Palibhasay mabuting tao kaya hindi siya iniwan ng mga taong malalapit sa kanya sa gitna ng pakikipaglaban para sa kanyang ikalawang buhay. Halos lahat ay nananalangin para sa matagumpay na operasyon. Laging nasa tabi niya ang pamilya at malalapit na kaibigang sina Oe San at Vivian Villahermosa. Kahit ang kaibigang si Jacky Woo ay tinawagan siya para lumakas ang loob.
After the operation ay saka lang sila nakahinga ng maluwag dahil himala itong nakaligtas at ang planong pagku-cobalt sa kanya ay di na rin naituloy dahil okey na ito. Naniniwala si Rene na kapag matibay ang pananalig mo sa Kanya ay di ka Niya pababayaan. Sabi nga nito ay walang imposible sa Panginoon.
Nagpapasalamat ito sa lahat ng mga kaibigan sa showbiz na nagdasal para sa kanya gayundin sa magagaling na doktor ng St. Lukes.
Ngayon ay gagawin na itong isang oras para mapagbigyan ang kahilingan ng mga manonood. Isa sa kasama ni Gigi si Manilyn Reynes na ang segment ay ukol sa mga showbiz mom na nagsisilbing modelong ina ng tahanan at sa portion naman na nauukol sa pangkabuhayan ay nakatoka sa kanya. May legal case na tinatalakay si Atty. Joan Canete Chan.
Ang panganay nitong anak na si Christopher "PJ" Malonzo ay artista na rin at ang bunsong si CK na carbon copy ni Mayor Rey ay pwede ring maging commercial model at artista dahil showbiz ang dating nito.