Claudine,Judy Ann bridesmaids ni Gladys

Wala na talagang urungan ang napipintong pagpapakasal nina Gladys Reyes at Christopher Roxas sa Enero 23, 2004 na gaganapin sa Iglesia ni Cristo Central Church habang ang reception ay sa Fernwood Garden, also in Quezon City. Ang magiging officiating minister ay si Brother Arnel Tumanan.

Limang pares ang tatayong mga ninong at ninang at ang mga ito ay sina Gng. Susan Roces-Poe at San Juan Mayor JV Ejercito, Gng. Helen Gamboa-Sotto at Director Wenn Deramas, Gng. Sharon Cuneta-Pangilinan at Gen. Eduardo Matillano, Gng. Cory Vidares at G. Nathaniel Aguilar at sina Gng. Violet Sevilla at G. Sophio Embalsado.

Si Carmi Martin ang tatayong Maid of Honor habang ang best friend ni Christopher na si Rainier Santos ang tatayong Best Man.

Ang limang Bridesmaids ay kinabibilangan ng young sister ni Gladys na si Janice Reyes, Claudine Barretto, Judy Ann Santos, ang sister ni Christopher na si Marie Glaire Sommereux at auntie nitong si Marivic Rojas. Tatlo sa limang Groomsmen ang kinabibilangan nina Terence Villa, Jeff Rojas at Gabby Eigenmann.

Ang wedding gown at female entourage ay gagawin ng family friend couturier ni Gladys na si Totoy Madriaga (bilang regalo niya sa ikakasal) at ang Dress Code naman ang gagawa ng suit ni Christopher.

Walang kinuhang wedding planner ang ikakasal, sa halip ay magkatulong sina Gladys at Carmi sa pag-aasikaso ng lahat. Sila rin ang namili sa color motif na plum at burgundy.

Last May 15 ay tumulak patungong France si Christopher para magtrabaho at nakatakda siyang bumalik dito sa November. Sa darating na August 18 ay aalis naman si Gladys para bisitahin ang kanyang kasintahan sa France. Nagsimulang magtrabaho si Christopher sa isang internet café hanggang sa malipat siya sa Monaco Palace bilang chef.

Si Christopher ay half-Filipino at half-French. Pinay ang kanyang ina at French naman ang kanyang amang si Andre Sommereux, Jean Christopher Sommereux ang tunay na pangalan ni Christopher.

Sa darating na January 8, 2004 ay magla-labing-isang taon nang magkasintahan sina Gladys at Christopher.

Wala pang immediate plans sina Gladys at Christopher kung sa France sila maninirahan o dito sa Pilipinas pagkatapos ng kasal nila. Ang gustong mangyari ni Christopher ay magka-baby kaagad sila.

French citizen si Christopher dahil sa Toloust, France siya ipinanganak habang ang kapatid niyang si Marie Claire ay sa Paris naman.

Speaking of Gladys, gusto nitong kumuha ng special course in French para pag nag-desisyon ang kanyang future husband na sa France na sila maninirahan, marunong na siyang magsalita ng lenguahe.

Natatawa lamang si Gladys sa balitang buntis umano siya kaya sila magpapakasal.

"Ngayon pa ba naman ako magpapabuntis kung kelan malapit na kaming ikasal?" tanong niya.
* * *
Gusto naming bigyan-daan ang e-mail na ipinadala sa amin ni Alfie Gabriel mula sa Jeddah, Saudi Arabia patungkol sa programang Game KNB?

"Bakit ba puro mga celebrities na ang naglalaro sa Game KNB? Halos itong buwan ng July ay pawang mga artista na ang naglalaro. Ayokong maniwala na halos wala nang tumatawag sa Game KNB? para sumali. Naniniwala ako sa comment noon ni Pepe Pimentel tungkol sa mga game show na ang game shows ay para sa mga manonood nito and everytime you put a celebrity as contestant ay you are depriving 15 ordinary Pinoy of their chance.

Kahit sa home partner portion ay madalas na walang nabubunot na tamang home partner at kumukuha na lang ng apat na entries lalo na kung ang premyo ay P300,000 or above. Does this mean also na kokonti na rin ang sumaali para maging home partner?

Regards, Alfie Gabriel agabriel @pca.gov.sa Jeddah, Saudi Arabia
* * *
<a_amoyo@pimsi.net>

Show comments