Nancy, Greg kakanta sa 'Song of Mulan'

Bukas na ang pinakahihintay ng lahat na Greatest Hits... Just Once na tatampukan ng mga singers na sina Rico J. Puno, Rey Valera, Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga at Marco Sison.

At sa rehearsal pa lang, enjoy na ang mga nakasaksi at excited na silang panoorin ang concert. "Kahit naman noon, hindi trabaho para sa akin ang pag-awit. Ito ang buhay ko," sabi ni Rey.
* * *
May isa pang magandang panoorin ngayong buwan ng Agosto. Ito ang Song of Mulan. Ang unang movie version nito na Mulan ay naging paborito na naming mag-iina. Ang kantang "Reflection" at "I’m Going To Make A Man Out of You" ang unang songs na natutunan ng mga anak ko. Gasgas na nga ang VCD tape namin na halos isang daang beses na yata naming napanood pero wala pa rin kaming kasawa-sawa.

At sa unang pagkakataon ay magkakaroon ito ng play na pinamagatang Song of Mulan. Ito ay halaw sa Chinese poem na "The Ballad of Mu Lan." Istorya ito ng isang pagmamahal ng isang babae sa kanyang ama at kung paano niya hinarap ang mga pagsubok ng buhay.

Ito’y pangungunahan nina Nancy Castiglione at Greg Turvey. Si Nancy, bago pa man mag-artista ay matagal nang lumalabas sa mga stage play sa Canada. Samantala, si Greg ay first time sasabak sa theater. Pero may background siya sa martial arts tulad ng taekwondo, Muay Thai at kickboxing at Kung Fu katulad ng gagampanan niyang role na si Captain Shang, isang proud at dignified captain na mahusay din sa martial arts. Ipamamalas nila Nancy at Greg ang kanilang husay hindi lamang sa pag-arte kundi maging ang kanilang talent sa singing.

Ang Song of Mulan ay prodyus ng GR Creative X-change. Ito’y mapapanood ng libre sa Alabang Town Center, Glorietta, Ayala Center Cebu, Metropoint Edsa-Taft at Pavillion Mall sa Laguna at magsisimula sa Aug. 1, 2 at 3, 8, 9, & 10.

Show comments