Aiai di nagbibigay ng limos
August 1, 2003 | 12:00am
Hawak-hawak ni Aiai delas Alas ang mga sulat ng mga tagahanga, mga non-government association at ilang sulat na nagso-solicit nang makausap namin siya. Iyon daw ang gagamitin nitong basehan sa kanyang pagpapatayo ng isang foundation para sa mga mahihirap nitong kababayan.
Ayon sa komedyante, kaysa isa-isahin niyang bigyan ng abuloy ang bawat lumapit sa kanya at humingi ng tulong ay mas gusto niyang magtayo ng isang foundation na magbibigay kaalaman sa mga tao tungkol sa livelihood program.
"Gusto kong maging productive ang mga tao para magkapera sila. Magtuturo kami ng mga ibat ibang klase ng livelihood program para matutong magtrabaho ang mga ito at hindi iyong bibigyan ko sila agad-agad ng pera."
Akala ng komedyante ay sa pagiging madre siya makakatulong sa mga nangangailangan kaya inambisyon niya noon ang maging madre. College na siya noon nang magsimula siyang mangarap dahil dito umano niya natatagpuan ang katahimikan lalo na nung puno siya ng problema sa buhay. "Ang buhay ko kasi noon ay di ganun kaligaya kaya naisip kong mag-madre. Kaya lang masaklap naman dahil pinagtatawanan lang nila ako." ALEX DATU

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended