Ang bubuo ng Lino Brocka International jury ay sina chairman Ron Holloway, film critic Scott Rosenberg, Vietnamese Director Dang Nhat Minh, Israeli Director Dan Wollman at Philippine film critic Justiniano Dormiendo.
Isang correspondent para sa various media tulad ng Variety, The Hollywood Reporter, Moving Pictures Intl, Financial Times at The Herald Tribune si Holloway na naka-base sa Berlin. May akda ito ng anim na libro tungkol sa film history at criticism, originated a data bank on film directing at co-founded the Chicago Center For Film Study and the Cleveland Cinematheque.
Si Director Minh ay nanalo na sa mga international film festivals. Ang mga pelikula niya ay napanood na sa Japan, Switzerland, France at Great Britain. Nagsimula siya sa paggawa ng mga docu nung 1965. Nakagawa na siya ng mga 20 feature films and docus.
Nag-aral si Wollman sa Film Institute of City College New York at sa New York University. Pagkatapos niya ay bumalik siya sa kanyang bansa sa Israel at ginawa ang kanyang first feature film, ang The Dreamer, naging official entry sa Cannes Film Festival nung 1970. Nakapag-direct na siya ng mahigit sa 30 short and feature films, docus at plays.
Si Rosenberg ang Asia Pacific Bureau Chief para sa New York based Film Journal International, producer ng Thai film na Lord of the Rainy Season at entertainment consultant at managing director ng Bangkok entertainment PR and marketing outfit.
Si Dormiendo, isang film and visual arts critic ay nakadalo na sa maraming filmfest abroad. Nagtuturo ito ng film courses sa UP Film Institute, nagsusulat tungkol sa film at cultural scene for the last 28 years sa various Philippine publications. Nanalo na ito ng San Lorenzo Catholic Mass Media Awards at Quill Award for Excellence para sa kanyang panulat.
Ang NETFAC jury ay binubuo nina chairman Aruna Vasudev ng India, Wong Tuck Cheong ng Malaysia. Founder si Vasudev at chief editor ng Cinemaya, ang una at nag-iisang journal devoted to the promotion of Asian cinema.Mayroon itong PhD on Censorship in Indian Cinema sa France at nung 2001 ay ginawang knight ng mga French to the order of Arts and Letters.
Si Cheong ay myembro ng NETFAC at contributor ng Cinemaya.
Bumubuo naman ng Young Cinema jury sina Robert Malengreau bilang chairman at Mes de Guzman. Isang journalist si Malengreau, film critic, editor ng Belgian Cinema News, secretary general ng Center Multimedia Bruxelles at founder ng ilang film festivals and competitions tulad ng International Festival of Independent film Mondial de la Video. Isang producer din ito at naka-direct ng anim na pelikula na nagwagi sa various filmfests. Binigyan ito ng Mowelfund ng special prize para sa kanyang pagtulong sa Filipino cinema.
Past winner ng Ishmael Bernal Award from Makati Cinemanila si De Guzman, pagkatapos nito nanalo siya sa Morocco Film Festival.
"Masyadong mabigat kaya gusto kong pabawasan. Pero, lubha namang napaka-mahal ng proseso kung kaya magtatrabaho muna ako," sabi niya.
Dalawang taon ding tumigil sa paggawa ng pelikula si Ilonah. "Marami kasi akong nakasabay and at the time, di naman ganun karami ang mga projects," paliwanag niya.
May special appearance siya sa Motel ng ATB 4 bilang kaibigan ni Rose Valencia.
Fortunately, napakalaki ng Araneta Coliseum para hindi ma-accommodate lahat. Okay din naman ang view from the gallery. Maganda naman ang acoustic ng Coliseum, maririnig ng malinis ang lahat ng numbers nina Marco (Sison), Hajji (Alejandro), Nonoy (Zuñiga) at ni Sarah (Geronimo). At huwag mag-alala, kahit nasaang lugar ka sa Araneta, maririnig mo ang kaberdehan ni Rico. Promise!!!