^

PSN Showbiz

Gitara lamang ang kasama ni TJ sa condo

RATED A - Aster Amoyo -
Baby girl ang isinilang ng Unang Hirit host na Suzy Entrata-Abrera nung Hulyo 24 (Huwebes), ganap na ika-10:30 ng gabi sa Capitol Medical Center sa Quezon City sa tulong ng kanyang obstetrician na si Dr. Zaida Gamella.

Nakapag-report pa si Suzy sa Unang Hirit ng araw na ‘yon at pauwi na lamang siya sa Parañaque nang biglang pumutok ang kanyang water bag kaya dumiretso na siya sa Capitol Medical Center. Pero 12 oras nag-labor si Suzy bago tuluyang lumabas ang bata.

Ang bata na pinangalanang Leona Emiliana ay tumitimbang ng 6.14 lbs. at 4.9 cm. naman ang haba. Ito bale ang first baby ni Suzy at ng kanyang mister na si Paolo Abrera.

Magmula nang lumabas ng pagamutan ang mag-inang Suzy at ang kanyang baby, naging hand-on parents ang mag-asawang Suzy at Paolo. Kapag tulog ang bata ay sinasabayan din nila ito ng tulog para hindi sila gaanong napupuyat sa gabi. Bini-breastfeed din ni Suzy ang baby at bibigyan lamang niya ito ng alternative milk kapag bumalik na siya sa Unang Hirit.
* * *
Nagtataka ang singer-comedian na si Ogie Alcasid kung sino ang nagpasimula ng balita na hiwalay na sila ng kanyang misis na si Michelle Van Eimeren-Alcasid.

Nasusulat naman ang kanyang pag-alis patungong Australia at kung bakit naroon ang kanyang mag-iina. Kamakailan nga lamang ay inihatid ni Ogie sa Australia ang kanyang mag-iina pero kailangan agad niyang bumalik ng Pilipinas dahil sa kanyang trabaho.

Malaki ang loteng nabili ng mag-asawang Ogie at Michelle sa Sydney, Australia at pinatayuan nila ito ng isang 5-bedroom house sa pamamahala ng ama ni Michelle na si Martin. Ayon kay Ogie nang huli namin itong makausap, ibibigay umano niya ang bahay na ‘yon sa kanyang in-laws at pagkatapos ay muli silang magpapatayo ng bahay para naman sa kanila in the same compound.
* * *
Nakakatuwa ang pagiging down-to-earth ng TV host na si TJ Manotoc.

Nung nakaraang Sabado ay sumama kami sa pictorial sa condo unit ni TJ para sa isang glossy magazine. Solong nakatira sa nasabing condo in Ortigas Center si TJ.

Mahilig sa sports at electronics si TJ. May dalawa siyang TV sets sa sala at sa kanyang bedroom at may tatlo pa kaming nakitang nakatabi lang. Napakarami rin niyang collection ng mga CDs and VCDs.

Palibhasa’y walang katulong at halos kapos sa oras magluto, nagkakasya na lamang si TJ sa mga take out foods. Pero kung may oras naman siyang magluto ay nagluluto siyang mag-isa. Very health conscious si TJ. Binabantayan niya ang mga pagkaing kinakain niya at hindi siya nagpapabaya sa exercise. Kapag may oras, binabalingan din niya ang kanyang gitara na siya niyang constant companion sa kanyang condo.

Hindi mahilig sa nightlife si TJ. Kapag wala rin siyang raket o mahalagang lakad, diretso siya ng bahay para magpahinga lalo pa’t may dalawa na siyang regular daily show, ang Unang Hirit, isang early morning program at ang Frontpage kung saan siya ang naghahatid ng mga showbiz news. Bukod ang mga ito sa kanyang sports program sa PTV-4 at isang weekly radio program. On the side, nagiging in-demand din siyang host sa mga corporate shows.

Sa edad na 26, aminado si TJ na loveless siya sa kasalukuyan. Pinabulaanan din niya ang balita na nililigawan niya ang aktres na si Iza Calzado dahil may boyfriend umano ang dalaga.

Although dalawa lamang sila ni Mavis na tunay na magkapatid, very close umano siya sa kanyang mga half-siblings — sina Borgy, Michael at Matthew (mga anak ni Tommy kay Rep. Imee Marcos) at ang 5-year-old na si Gabriel de Leon na anak naman ng kanyang ama sa girlfriend nito ngayong si Yvette de Leon.

Kahit anak si TJ ng estranged celebrity couple na sina Tommy Manotoc at dating Miss International na si Aurora Pijuan, natutuwa siya na unti-unti siyang nakakagawa ng pangalan sa sarili niyang sikap.

Bago tuluyang inagaw ng telebisyon si TJ, nagtrabaho siyang editor-in-chief para sa isang glossy men’s magazine na umabot din ng mahigit dalawang taon.
* * *
Email: <[email protected]>

vuukle comment

CAPITOL MEDICAL CENTER

CENTER

KANYANG

KAPAG

OGIE

SIYA

SUZY

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with