Isang garden wedding ang pangarap ni Regine at kung siya ang masusunod ay gaganapin ito sa isang malayong lugar at walang makakaalam kundi ang mga kumbidado lang niya. "Tipo ko iyong kasal na sikreto talaga. Yon bang malalaman na lang kung tapos na."
Sa punto ng buhay ng mang-aawit ay hindi na siya naghahanap ng gwapo kundi isang mayaman at mamahalin siya. At dahil "can afford" ang mapapangasawa niya, wish niya ang mga awiting "All Of My Life" at "On My Wedding" ang kakantahin sa kanyang pagmartsa patungong altar. Gustung-gusto niyang kumanta ang paborito niyang si Barbra Streisand. "Can afford tayo! Mayaman ata ang mapapangasawa ko."
Inamin ng mang-aawit na malaki ang natutunan niyang aral sa pakipagrelasyon kay Ariel Rivera. Kahit naging maikli ang kanilang pagsasama ay naging masaya siya sa aktor. ALEX DATU