Regine, di type magsuot ng wedding gown
July 31, 2003 | 12:00am
Hindi namin natantya si Regine Velasquez kung nagbibiro siya sa pagsabing ayaw niyang magsuot ng trahe de boda sa araw ng kanyang kasal. Walang excitement sa kanyang pagsusuot ng wedding gown dahil ilang beses na niya itong ginawa sa mga eksena niya sa pelikula, pictorial at MTV. Mas gugustuhin pa niyang magsuot ng isang simpleng gown na tulad nang isinusuot niya sa kanyang mga concerts. "I got plenty of gowns sa closet and I guess, its too much kung magpapagawa pa ako. Dadagdagan ko na lang ng burloloy."
Isang garden wedding ang pangarap ni Regine at kung siya ang masusunod ay gaganapin ito sa isang malayong lugar at walang makakaalam kundi ang mga kumbidado lang niya. "Tipo ko iyong kasal na sikreto talaga. Yon bang malalaman na lang kung tapos na."
Sa punto ng buhay ng mang-aawit ay hindi na siya naghahanap ng gwapo kundi isang mayaman at mamahalin siya. At dahil "can afford" ang mapapangasawa niya, wish niya ang mga awiting "All Of My Life" at "On My Wedding" ang kakantahin sa kanyang pagmartsa patungong altar. Gustung-gusto niyang kumanta ang paborito niyang si Barbra Streisand. "Can afford tayo! Mayaman ata ang mapapangasawa ko."
Inamin ng mang-aawit na malaki ang natutunan niyang aral sa pakipagrelasyon kay Ariel Rivera. Kahit naging maikli ang kanilang pagsasama ay naging masaya siya sa aktor. ALEX DATU

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended