Mga kuwento ng kudeta

Habang dinudumog ng mga sundalo ang Makati, dinumog naman si Dominic Ochoa ng mga car racing enthusiasts nang manalo siya ng first place sa on-going Fordlynx Racing Circuit na ginanap sa Rosario, Batangas. Tuwang-tuwa si Dominic na matanggap ang plake nang manalo siyang first place sa second round.

Hindi lingid sa ating kaalaman na car racing ang hilig ni Dominic. Kahit busy sa dami ng schedules, pilit pa ring isinisingit ni Dom ang kanyang hilig sa mga kotse.
* * *
Hindi kami nagtataka kung bakit ganun na lamang ang passion ni Diether Ocampo for singing. Na-witness namin mismo ang hilig niya sa pagkanta last Thursday sa presscon ng Blow Band sa Ratsky Morato.

Nai-share sa amin ni Diet na namana niya yun marahil sa kanyang ama na dati’y myembro ng isang banda. Matagal-tagal na rin daw siyang nag-banda pero hobby lang daw niya. This time, nag-full blast via their debut album "Blow! Nice and Hard". Kasama sa Blow Band ang mga non-showbiz friends na sina Jasper Ong (back-up vocalist), Kesseth Cheng (lead guitarist), Kaloy Mojica (bassist) and drummer Emil Buencamino.

Sobrang happy si Diet dahil sa wakas ay natupad niya ang dream of having his own band. Ito raw kasi ang pahinga niya sa dami ng pressures sa trabaho. After their launch, regular silang may gig sa Ratsky Morato at Flute sa Makati City.
* * *
Isa na marahil sa hindi makakalimutan na experience ni Nikki Valdez ay ang nakaraang banta ng kudeta. Timing kasi na naka-check in sina Nikki, Mommy Norma at relatives sa Oakwood Hotel kung saan nilusob ng mga rebeldeng sundalo ang nasabing hotel.

Sa pagkakwento sa amin ni Nikki, wala raw silang kamalay-malay kung hindi pa tumawag ang Talent Center Artist Representative niyang si Ms. Nenette. Laking gulat ng aktres sa nalaman at pilit nilang inaaliw ang kanilang sarili. Gusto man nilang umalis kaagad ay hindi nila magawa dahil sa mahigpit na bilin na bawal silang lumabas.

Habang nasa hotel, tumawag si Nikki kay Christine Bersola para makahingi agad ng tulong. Hindi naman nag-atubili si Tin at ipinaalam agad kay Karen Davila na siyang kasalukuyang on-air sa pag-cover ng coup attempt. Sobrang pasalamat din ng batang aktres nang biglang nag-desisyon na palabasin ang lahat ng naka-check in sa Oakwood. Sa paglabas nila, hindi pa rin nawala ang kaba nila Nikki dahil sa dami ng sundalo na nakabantay at mga bomba na naka-implant sa buong lugar.

Pasalamat si Nikki dahil walang anumang nagyari na masama sa kanila pati sa mga kamag-anak.

Show comments