Jomari umamin na!
July 31, 2003 | 12:00am
Mahal talaga ni Jomari Yllana si Ara Mina. Sa ilang interbyu nito ay sinasabi niya na very understanding ang aktres kaya nagkakasundo sila sa maraming bagay. May nagtanong sa aktor kung siya ba ang tinutukoy ni Ara Mina sa acceptance speech nito nang manalo sa Manila Film Festival 03 as best actress. Ibinahagi nito ang tropeo sa isang lalaki who "inspires me in my life."
Umamin naman si Jom na siya nga ang lalaking yon. O di ba? Talagang sila na nga!
Nalalagay sa intriga si Ogie Alcasid dahil sa balitang nag-alsa balutan si Michelle Van Eimeren dala ang dalawang anak patungong Australia dahil maghihiwalay na sila. Ang itinuturong dahilan ay si Regine Velasquez.
Ano ang reaksyon dito ni Ogie? "Hindi totoo ang balita. Nagsimula ito nang sabihin ni Regine Velasquez na sa lahat ng composers ay paborito niya ako dahil sa maraming hits songs na nagawa ko. Maganda si Regine pero may asawa na ako at di ko ipagpapalit ang aking pamilya. Two weeks nang nasa Australia si Michelle at kung nanood kayo ng Mel & Jay noong Linggo sa aking 15th anniversary sa show ay binati pa nga ako ng aking asawa by overseas call from Australia. Fifteen years ko na ring kakilala si Regine at nanatili kaming malapit na kaibigan pero hanggang doon lang," paliwanag ng singer-composer.
Magagaling ang mga artistang tampok sa Pilipinas May Isang Ina kahit nawala si Lolit Rodriguez.
Kapalit nito si Armida Seguion Reyna. Ito bale ang entry ng Viva Films sa MMFFP 2003.
Hindi na rin kasama si Hilda Koronel dahil tinatapos pa nito ang Crying Ladies na kasali rin sa filmfest.
Ang pumalit sa kanya ay si Dawn Zulueta. Sa movie, muling makakasama nito si Richard Gomez.
Alam ng lahat na nagkaroon ng relasyon ang dalawa noon.
Pero hindi sila magkapareha sa movie, magkapatid ang papel nila.
Patutunayan ni Raymart Santiago na talagang mahal nito si Claudine Barretto. Ihihinto na niya ang kanyang sobrang paninigarilyo. Noon ay nagsisigarilyo rin si Claudine pero tumigil ito dahil na-realize na makakasama ito sa kalusugan niya.
Nagawang huminto sa paninigarilyo noon ni Raymart ng dalawang taon. Magagawa uli niya ito ngayon.
Maganda at may pinag-aralan ang mga baguhang sexy stars ngayon gaya ni Em-Em Oroso na alaga ni Katrina Paula. Hawig niya sina Jenny Syquia at Jen Rosendahl.
Tapos ito ng BS Management at nagtrabaho sa bangko pero sa kagustuhang mag-artista ay pumayag na ring lumabas sa sexy films. Si Em-Em ay 21 years old at matangkad din ito.
Ipinagmamalaki ng aktres na hindi retokado ang kanyang ilong at katawan lalo na ang boobs. Tumigil na siya sa pagtatrabaho sa bangko (ayaw niyang sabihin ang pangalan) para pasukin ang magulong daigdig ng showbiz.
Mabuti na lang at nauntog din si Melissa Mendez at nakipaghiwalay na sa nobyong si JC Castro. Na-realize nito na hindi magiging matatag ang kanyang kinabukasan sa piling nito.
Kunsabagay hindi siya kawalan sa aktres dahil alam naming marami pa rin itong manliligaw na galing pa sa buena pamilya. Ang kailangan lang nito ay pumili ng tamang lalaki kundi gayundin sa kanyang mga anak.
Magkaiba ang pananaw ng dalawang sikat na aktres. Si Aktres A ay madalas gumanap sa mga character roles pero maganda ang PR kaya maraming kaibigang press people. Tuwing may taping ito at syuting ay dinarayo siya ng mga kaibigang taga-media.
Si Aktres B naman ay isang sikat na premyadong aktres na ayaw na maiistorbo kapag may taping. Hindi nakakadalaw ang mga press people dahil gusto nitong walang maingay kapag nasa set. Nakakapag-concentrate siyang mabuti kapag walag masyadong tao sa set.
Umamin naman si Jom na siya nga ang lalaking yon. O di ba? Talagang sila na nga!
Ano ang reaksyon dito ni Ogie? "Hindi totoo ang balita. Nagsimula ito nang sabihin ni Regine Velasquez na sa lahat ng composers ay paborito niya ako dahil sa maraming hits songs na nagawa ko. Maganda si Regine pero may asawa na ako at di ko ipagpapalit ang aking pamilya. Two weeks nang nasa Australia si Michelle at kung nanood kayo ng Mel & Jay noong Linggo sa aking 15th anniversary sa show ay binati pa nga ako ng aking asawa by overseas call from Australia. Fifteen years ko na ring kakilala si Regine at nanatili kaming malapit na kaibigan pero hanggang doon lang," paliwanag ng singer-composer.
Kapalit nito si Armida Seguion Reyna. Ito bale ang entry ng Viva Films sa MMFFP 2003.
Hindi na rin kasama si Hilda Koronel dahil tinatapos pa nito ang Crying Ladies na kasali rin sa filmfest.
Ang pumalit sa kanya ay si Dawn Zulueta. Sa movie, muling makakasama nito si Richard Gomez.
Alam ng lahat na nagkaroon ng relasyon ang dalawa noon.
Pero hindi sila magkapareha sa movie, magkapatid ang papel nila.
Nagawang huminto sa paninigarilyo noon ni Raymart ng dalawang taon. Magagawa uli niya ito ngayon.
Tapos ito ng BS Management at nagtrabaho sa bangko pero sa kagustuhang mag-artista ay pumayag na ring lumabas sa sexy films. Si Em-Em ay 21 years old at matangkad din ito.
Ipinagmamalaki ng aktres na hindi retokado ang kanyang ilong at katawan lalo na ang boobs. Tumigil na siya sa pagtatrabaho sa bangko (ayaw niyang sabihin ang pangalan) para pasukin ang magulong daigdig ng showbiz.
Kunsabagay hindi siya kawalan sa aktres dahil alam naming marami pa rin itong manliligaw na galing pa sa buena pamilya. Ang kailangan lang nito ay pumili ng tamang lalaki kundi gayundin sa kanyang mga anak.
Si Aktres B naman ay isang sikat na premyadong aktres na ayaw na maiistorbo kapag may taping. Hindi nakakadalaw ang mga press people dahil gusto nitong walang maingay kapag nasa set. Nakakapag-concentrate siyang mabuti kapag walag masyadong tao sa set.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended