Bold actor noon, pasabit-sabit na lang ngayon

Dating sikat na ang sexy actor na ito na bumandera sa isang movie company. Nakapareha nito ang mga malalaking sexy stars dahil magaling naman itong umarte. Sa katunayan, na-nominate ito sa ilang award-giving bodies.

Pero heto ang syete ng isang taong naging kaibigan ng aktor, nagpasabit-sabit na lang daw ito kung kani-kaninong-bading na mayayaman, matrona at kung kani-kaninong babae. Hindi kasi siya naging masinop sa pera noong kasagsagan ng career. Eh sa industriyang ito, kapag wala kang pera ay wala ka ring kaibigan.

Tanong ko nga sa aking source, kung pwede pa itong bumalik sa pelikula! "Masyonda na siya at mukhang tuyot na kaya paano pa siya magkakapelikula? Hindi na siya pwedeng magpa-sexy di gaya noon na talagang pinapantasya ang kanyang katawan dahil sa lakas ng sex appeal."
Pangsuporta na Lang
Kasama si Cogie Domingo sa Maid To Love katambal si Nancy Castiglione ng Love To Love na tinatampukan nina Richard Gutierrez at Chynna Ortaleza.

Hindi nakarating sa presscon ng bagong TV show si Cogie kaya ginawan na agad ito ng intriga na kesyo nai-insecure siya kay Richard Gutierrez. Lumalabas kasi na pangsuporta na lang ito.

Pero sinabi nito sa isang interview, na mula sa simula ay alam niyang pangsuporta lang siya kay Richard at wala namang magiging problema dahil gusto niya ang papel na gagampanan. Isa pa gusto rin daw niyang katrabaho si Nancy. Hindi naman nangangamba si Cogie na baka magselos si Paolo Contis na bf ng aktres dahil alam niyang bahagi lang ito ng pagiging artista.

May pelikula si Cogie kasama ang barkadang si Oyo Boy Sotto titled Kuya. Magsisimula na silang magsyuting next month.
Nagalit Ang Fans Ng Bf
Inamin ni Aiza Marquez na naging mag-on sila ni Danilo Barrios kaya lang galit sa kanya ang fans ng actor na isa sa mga dahilan kung bakit sila naghiwalay. Dalawang taon din ang itinagal ng kanilang relasyon. Ngayon ay magkaibigan pa rin naman sila.

Kasama si Aiza sa Pagsasamang Kayganda... Noon at Ngayon bilang anak ni Jean Garcia sa direksyon ni Marilou Diaz-Abaya na ayon kay Aiza ay marami siyang natutunan.

Dati siyang nakakontrata sa Viva pero nagpa-release siya hanggang naging talent ng Dos. Ngayon ay may regular show siya sa ABS-CBN- Darating Ang Umaga, dito ay katambal niya si Danilo.

Kung siya ang masusunod, gusto niyang magkaroon ng movie katambal si Jericho Rosales.

Pangarap din niyang sumabak sa action movies. Handa siyang mag-aral ng martial arts lalo na ang taekwondo.

Maswerte si Aiza dahil lagi ang kanyang mommy mismo ang kanyang tsaperon. Bestfriend niya sina Camille Prats at Matet.
‘Magnifico’, Sali Sa International Filmfest
Tuwang-tuwa si Madame Violeta Sevilla ng Violett Films dahil ang pelikula nilang Magnifico na idinirek ni Maryo J. delos Reyes ay kasali sa 48th Karlovy International Film Festival- isa sa pinakamalaking festival sa Europa. Napili itong isa sa 15 films na sali sa competition category.

Sa gala screening ay umani ng papuri ang pelikula kaya nga iniimbitahan din ito sa darating na film festival gaya ng Toronto, Fukuoka sa Japan at Pusan sa South Korea. At nakakuha na rin sila ng film distributor sa Amerika.

Kasama sa delegasyon ng Violett Films bukod kay Madame Violet sina Maryo J., Jiro Manio, Lutgardo Labad, Girlie Sevilla at iba pa.

Show comments