"Napaka-ganda ng lovescene namin dahil sa movie ay talagang in love kami sa isat isa. Kahit ako bata, mature ang character ko na naghahanap ng isang independent woman, matapang na siyang characteristic naman ni Ms. D," ani Jericho.
"Nasa beach kami, naka-topless si Jericho at nakasuot naman ako ng manipis na nightie. During the scene, kinagat ni Jericho ang tenga ko," ani Miss D. naman na umamin na bago kunan ang eksena ay kinabahan siya, kinailangan pa niyang uminom ng wine.
"It was not my first time to be paired with a mature woman. Sa isang eksena sa Esperanza nun nagkaroon din ako ng kissing scene with Ms. Jackielou Blanco," imporma ni Echo na inabot ng panunukso dahil nang dumating sa presscon ng movie ay nakasuot ng isang t-shirt na bigay sa kanya ni Dina.
Layunin ng Congress na may temang "Wastong Nutrisyon, Nagsisimula sa Sinapupunan" na patatagin ang kaalaman ng publiko sa "Safe Motherhood" na pinaka-pangunahing component ng reproductive health. It also promotes strategies proven effective in reducing maternal mortality.
Maraming namamatay taun-taon dahilan sa kumplikasyon na dulot ng pagbubuntis at panganganak. Addressing these problems require adequate education na nabigyan katuparan ng 1st Buntis Congress.
Kahit abala sa kanyang tungkulin bilang ikalawang namumuno ng isang malaking lungsod gaya ng QC, nagagawa pa rin ni Vice na isingit ang kanyang mga commitment sa showbiz na hindi naman niyang maipagwawalang bahala dahil tumatakbo ito sa kanyang dugo. Bukod sa kanyang regular na palabas na Klasmeyts, tumatanggap din siya ng pelikula kapag maluwag ang schedule niya. Kasama sana siya sa pelikulang Sanib ng Regal Films pero, tinanggihan niya ang role ng isang pari dahil inakala niyang di ito bagay sa kanya. The role went finally to Raymond Bagatsing.