^

PSN Showbiz

Dina, kinagat sa tenga ni Jericho

- Veronica R. Samio -
Maraming veteran stars ang inggit kay Ms. Dina Bonnevie dahil nalilinya itong maipareha sa mga kabataang aktor. Nung una kay Cogie Domingo, ngayon naman si Jericho Rosales ang nakapareha niya at naka-lovescene pa sa Pagsasamang Kay Ganda: Noon at Ngayon ng Star Cinema under the direction of Marilou Diaz Abaya. Sa pelikula, anak si Jericho ng best friend ni Dina na si Cherry Pie Picache.

"Napaka-ganda ng lovescene namin dahil sa movie ay talagang in love kami sa isa’t isa. Kahit ako bata, mature ang character ko na naghahanap ng isang independent woman, matapang na siyang characteristic naman ni Ms. D," ani Jericho.

"Nasa beach kami, naka-topless si Jericho at nakasuot naman ako ng manipis na nightie. During the scene, kinagat ni Jericho ang tenga ko," ani Miss D. naman na umamin na bago kunan ang eksena ay kinabahan siya, kinailangan pa niyang uminom ng wine.

"It was not my first time to be paired with a mature woman. Sa isang eksena sa Esperanza nun nagkaroon din ako ng kissing scene with Ms. Jackielou Blanco," imporma ni Echo na inabot ng panunukso dahil nang dumating sa presscon ng movie ay nakasuot ng isang t-shirt na bigay sa kanya ni Dina.
* * *
Kulang-kulang sa 2000 buntis ang pumunta ng Robinson’s Galleria para sumali sa 1st Buntis Congress na inorganisa ng DZMM in partnership with the Midwives Foundation of the Philippines at ng Department of Health-NCR.

Layunin ng Congress na may temang "Wastong Nutrisyon, Nagsisimula sa Sinapupunan" na patatagin ang kaalaman ng publiko sa "Safe Motherhood" na pinaka-pangunahing component ng reproductive health. It also promotes strategies proven effective in reducing maternal mortality.

Maraming namamatay taun-taon dahilan sa kumplikasyon na dulot ng pagbubuntis at panganganak. Addressing these problems require adequate education na nabigyan katuparan ng 1st Buntis Congress.
* * *
Marami ang naguluhan sa naganap na rebelyon, di yun coup d’etat, ng ilang kabataang opisyal ng military nung nakaraang linggo. Di kasi naging malinaw kung kinailangan pa ba ang ganung pamamaraan para lamang maiparating nila sa publiko at sa mga kinauukulang tao ang kanilang mga hinaing. Pero baka nga naman may problema sila sa komunikasyon at ang naisip nilang sistema to air their grievance was by rebelling. Sana man lamang bigyan pansin ni Pangulong GMA ang problema nila because, obvious na all is not well in the armed forces.
* * *
May proyekto na kasalukuyang isinasagawa ang Office of the Vice Mayor of Quezon City na si Vice Mayor Herbert Bautista. Ito ang Alang Alang Kay Itay, isang paghahanap ng mga fathers na taga-QC na outstanding sa kani-kanilang mga fields of endevour. Ang mga mapipili ay bibigyan parangal sa ika-19 ng Agosto, Quezon City Day, sa Bahay ng Alumni sa UP. Ang proyekto ay pinamumunuan ng isang apo ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon na ngayon ay Undersecretary ng National Historical Institute.

Kahit abala sa kanyang tungkulin bilang ikalawang namumuno ng isang malaking lungsod gaya ng QC, nagagawa pa rin ni Vice na isingit ang kanyang mga commitment sa showbiz na hindi naman niyang maipagwawalang bahala dahil tumatakbo ito sa kanyang dugo. Bukod sa kanyang regular na palabas na Klasmeyts, tumatanggap din siya ng pelikula kapag maluwag ang schedule niya. Kasama sana siya sa pelikulang Sanib ng Regal Films pero, tinanggihan niya ang role ng isang pari dahil inakala niyang di ito bagay sa kanya. The role went finally to Raymond Bagatsing.

vuukle comment

ALANG ALANG KAY ITAY

BUNTIS CONGRESS

CHERRY PIE PICACHE

COGIE DOMINGO

DEPARTMENT OF HEALTH

DINA

DINA BONNEVIE

ISANG

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with