Aiko, mas lalong nagalit kay Jomari
July 28, 2003 | 12:00am
Masamang-masama pala ang loob ngayon ni Konsehal Aiko Melendez kay Jomari Yllana dahil sa isang episode ng Kool Ka Lang kung saan siya pinaglaruan.
Sayang, hindi kasi namin napanood ang programa ng gabing yun, pero ayon sa aming nakausap, ang tinutukan daw ng istorya ay sina Jomari at Ara Mina.
"Kunwari kasi, e, may boyfriend si Ara na Ike ang pangalan, kaya ang tawag ni Ara, Ike Ko! Nung magkaharap na sila ni Jomari, Ike mo naman ang sinasabi niya," sabi ng aming kausap.
Nagdamdam si Konsehal Aiko sa komedya, dahil bakit daw kailangang gamitin pa at paglaruan sa programa ng isang taong nananahimik na nga?
Ang sentimyento ni Aiko ay hindi nalalayo sa naging tampo rin noon ni Kris Aquino kina Mayor Joey Marquez at Phillip Salvador. Ginawa rin kasing piyesa ng komedya ang kanilang buhay sa Kool Ka Lang, Kris naman ng Mindanao ang pinag-aagawan ng dalawang aktor.
Naging dahilan yun ng galit ni Kris sa ama ni Joshua at tampo naman kay Mayor Joey, sentimyento ni Kris ay bakit kailangan pang kaladkarin ang pangalan nito para sa kapakanan ng show?
Yun din mismo ang nararamdaman ngayon ni Konsehal Aiko, sa ngalan ng rating ay bakit kailangang bumangko ng sitcom sa personal na buhay ng mga taong nananahimik na?
Mas matindi pa nga ang naging dating ng "paglalarong" yun sa aktres, dahil pulitiko rin siya na may pinangangalagaang reputasyon sa kanyang mga nasasakupan.
Kuha namin ang punto ng aktres-pulitiko, kahit paanoy makaaapekto yun sa kanyang katayuan bilang respetadong lingkod-bayan, paano nga naman siyang rerespetuhin ng kanyang mga constituents kung ganung ginagawa siyang laruan sa telebisyon?
Ito ang nagiging resulta ng pagpapaligsahan sa rating ng dalawang istasyon, ang Dos at ang Siyete, dahil sa matindi nilang labanan sa rating ay marami tuloy silang nasasagasang personalidad.
Para lang masapawan at malampasan nila ang kalabang programa ay kung anu-anong materyales at kung sinu-sinong personalidad na ang kanilang pinaglalaruan.
Hindi natin masisisi ang mga artistang nasasagasaan, dahil masakit nga naman ang ganun, lalo nat pansariling kapakanan lang naman ng programa ang nabibiyayaan.
Masyado na silang ginagasgas at ginagamit, nakapananakit na ng damdamin ang mga produksyon, basta lang
Sayang, hindi kasi namin napanood ang programa ng gabing yun, pero ayon sa aming nakausap, ang tinutukan daw ng istorya ay sina Jomari at Ara Mina.
"Kunwari kasi, e, may boyfriend si Ara na Ike ang pangalan, kaya ang tawag ni Ara, Ike Ko! Nung magkaharap na sila ni Jomari, Ike mo naman ang sinasabi niya," sabi ng aming kausap.
Nagdamdam si Konsehal Aiko sa komedya, dahil bakit daw kailangang gamitin pa at paglaruan sa programa ng isang taong nananahimik na nga?
Ang sentimyento ni Aiko ay hindi nalalayo sa naging tampo rin noon ni Kris Aquino kina Mayor Joey Marquez at Phillip Salvador. Ginawa rin kasing piyesa ng komedya ang kanilang buhay sa Kool Ka Lang, Kris naman ng Mindanao ang pinag-aagawan ng dalawang aktor.
Naging dahilan yun ng galit ni Kris sa ama ni Joshua at tampo naman kay Mayor Joey, sentimyento ni Kris ay bakit kailangan pang kaladkarin ang pangalan nito para sa kapakanan ng show?
Yun din mismo ang nararamdaman ngayon ni Konsehal Aiko, sa ngalan ng rating ay bakit kailangang bumangko ng sitcom sa personal na buhay ng mga taong nananahimik na?
Mas matindi pa nga ang naging dating ng "paglalarong" yun sa aktres, dahil pulitiko rin siya na may pinangangalagaang reputasyon sa kanyang mga nasasakupan.
Kuha namin ang punto ng aktres-pulitiko, kahit paanoy makaaapekto yun sa kanyang katayuan bilang respetadong lingkod-bayan, paano nga naman siyang rerespetuhin ng kanyang mga constituents kung ganung ginagawa siyang laruan sa telebisyon?
Para lang masapawan at malampasan nila ang kalabang programa ay kung anu-anong materyales at kung sinu-sinong personalidad na ang kanilang pinaglalaruan.
Hindi natin masisisi ang mga artistang nasasagasaan, dahil masakit nga naman ang ganun, lalo nat pansariling kapakanan lang naman ng programa ang nabibiyayaan.
Masyado na silang ginagasgas at ginagamit, nakapananakit na ng damdamin ang mga produksyon, basta lang
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am