Matagal nang gustong magpa-opera ng young actress kaya lang kulang siya ng oras para gawin iyon. Matagal din nitong gustong magsuot ng walang manggas na damit kaya lang di nito nagagawa dahil doon sa marka. Kung nakakapagsuot man ito ng ganoong disenyo ay tiyak iyong kabilang braso ng damit ay may manggas.
"Matagal ko nang plano kay Matet yan kaya lang busy siya talaga sa kanyang soap noon. Ngayon, pwede na naming pagtuunan ito ng pansin dahil guesting-guesting lang siya sa TV kaysa naman kung kailan siya busy at doon pa namin isasabay ang pag-oopera," pahayag ni Tita Angge, na manager ng young actress.
Samantala ay napag-uusapan uli ang lovelife ng young actress dahil muling nagkabalikan umano sila ng dati nitong syota na taga-Siyete. Ayon sa balita ay lalong matamis ang pagtitinginan ng dalawa na posibleng na-miss ng dalawa ang isat isa. Kaya lang maraming nagsasabing paano na si Baron Geisler na siya ang nakabalikan ng young actress nang lonely siya dahil nakipag-break ito kay Gerald Macasero? Ang sweet ng dalawa noon at ang sabi pa ni Baron ay balik sila sa getting-to-know-each-other again ang drama nila dahil mula sa kanilang pagiging childhood sweethearts ay ngayon uli sila nagkasama na binatat dalaga na. ALEX DATU