Kissing partner ni Kris Aquino, ibinisto!

Siguro lahat kayo, hinintay ang araw na ito para lamang makita kung sino ang kissing partner ni Kris Aquino na ilang linggo rin tayong tinuksong lahat sa TV. Ngayon ang araw na ipinangako na makikilala natin ang swerteng makakahalikan ni Kris.

I am sure na katulad ko, madi-disappoint kayo dahil hindi isang lalaki kundi napakaraming tao ang hahalik sa popular na TV host-actress dahilan lamang sa bagong sabon na kanyang ginagamit, ang Kissa Papaya Plus, isang whitening soap na hindi kasing mahal ng leading brand ngayon at mas mabango. At nagtataglay ng ingredient na Clair Blanche na kapag isinama sa papaya extract ay nagpapaputi ng panlabas at panloob na balat, tulad ng balat ni Kris. "Di ito tulad ng mga ibang whitening soaps na hindi magandang amuyin dahil napaka-bango ng Kissa. At dahil maputi na ako, ang gagawin nito ay panatilihin na lamang na maputi ako," ani Kris.
* * *
Nanibago ako sa bagong image ni Diether Ocampo na nakita sa Ratsky Morato nung Huwebes ng gabi na kung saan ay nakilala na ng pormal ng press ang ipinagmamalaki nitong rock band, ang Blow at inilunsad ang una sa kanilang trilogy album, ang "Blow: Nice and Hard" under Job Records.

Pawisan ang kilalang aktor at myembro ng grupong Hunks. Ito pala at isang Jasper Ong ang soloista ng Blow Band. Marami nga ang nagulat nang malaman na talaga palang kumakanta ito at marunong ding mag-compose. Ang ilan sa mga awiting nakapaloob sa kanilang album ay collaboration nila ng lead guitarist ng grupo na si Kessenth Cheng.

Ang mga nilalaman ng kanilang album ay " Blow Nice and Hard", "Homesick", "Buang", "Say It", "Close To You", "Fly With Angels", "Last Breath" at "Likod ng Ilaw".

Bukod kina Diether, Jasper at Kessenth, ang tatlo pang myembro ng Blow ay sina Michael Ong, Kaloy Mojica at,Emil Buencamino.

Show comments