Kristine at Aubrey, may nude VCD din

Meron din palang nagkalat na nude VCD sina Kristine Hermosa and Aubrey Miles. Isang PSN reader and nag-text na nagkalat daw sa kanilang lugar ang copy ng nasabing VCD.

Kung sabagay, madali na ngayong maretoke ang mga nude video kaya hindi na masyadong shocking ang ganitong story.
* * *
Ini-announce last week ang official candidates sa Circle of 10 Image Model Search para sa taong ito.

Ang Circle of 10 ang madalas na source ng mga advertising agencies for more fresh ang young talent na eventually ay nagiging artista since simulan ang nasabing search. "Name four or five fresh and stunning newcomers in showbiz and chances are two to three of them were discovered in ads and TV commercials," sabi ni Louie Gamboa, Supervising Producer ng Ivan Entertainment.

Anyway, for this year’s search, 17 females and 22 males with ages ranging from 15 to 18 ang finalists na magkarooon ng final night sa August 9, Saturday sa Star Theater. Magiging guest performer sina Kyla, Luke Mejares and Cody Moreno at mapapanood - delayed telecast on September 13, 9 p.m. over RPN 9.

Sina John Prats and Heart Evangelista ang celebrity endorser ng Ivan Entertainment pagkatapos nilang magkaroon ng careful selection and deliberation kasama ang taga-advertising, beauty and glamour business. Tatanggap ng special award sina John at Heart sa special segment sa finals.

Kasama sa female candidates sina Jane Lorraine Santos, Camile Rodriguez, Janna Pablo, Janice Ortaleza, Gretchen Peña, Erika Pangan, Dorothy Coligado, Regine Mariano, Jennylyn Mercado, Bridgette Williams, Fatima Gutierrez, Monica Secades, Melanie Mendoza, Aimee Tuazon, Marielle Pines, Arriane Simon and Julianne Crisostomo.

Sa male category naman, maglalaban-laban sina Harry Brown, Edgar Mendoza, Nico Villa, Mark Joseph Tam, George Ty, Jan Michael Vincent Morada, James Llagas, Rainier Castillo, Mark Anthony Chavez, Patrick Zamora, Aikra Jay Omir, Alvin Aragon, Jigs Cristobal, Carlo Kenneth Cruz, Rafael Yulo, Prince de Belen, Jack Mendoza, Alex Lee, Dion Joseph Ignacio, Daniel Bolle, Joseph McIrvin and Jojo Hermogenez.
* * *
Ibang-iba ang aura ngayon ni Cherry Pie Picache. Complete na raw kasi siya as a woman - dahil sa kanyang only baby sa non-showbiz father.

During the presscon of her latest movie, Pagsasamang Kay Ganda...Noon at Ngayon, kitang-kita na fulfilled na siya sa kanyang buhay although as much as possible ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa ama ng anak niya.

Pero hindi lang sa pagiging ina siya fulfilled kundi ganoon din sa pagiging actress niya. Although hindi lahat ng pelikula niya ay bida siya, no doubt naman na isa siya sa pinaka-magaling na actress sa industriya. Pero sa Noon at Ngayon, mas mahaba na ang role ni Cherry Pie with Dina Bonnevie, Eula Valdez, Jean Garcia, Laurice Guillen among others.

Actually, sa mga sexy movies nag-start si Cherry Pie, Colegiala with Julio Diaz and then ginawa niya ang Sibak Midnight Dancers kung saan ipinakita niya ang kanyang funny but realistic effectivity bilang prostitute.

Sa boxoffice hit na Anak starring Vilma Santos, bestfriend siya sa nasabing pelikula ni Ate Vi.

Loving wife naman siya to a rich and cold lawyer, Edu Manzano sa Tanging Yaman.

Sa latest movie ng Star Cinema, Pagsasamang Kayganda...Noon at Ngayon, Cherry Pie becomes Maritess. Single mother siya sa tatlong anak na young adults. "Sa kanilang apat na magkakaibigan, ‘yung character ko ang motherly. Kung baga she stands like the conservative and quite different from Joey (Dina), Kathy (Jean) and Sylvia (Eula). Pero meron din siyang kamunduhan," sabi niya. "Kaya nung mangyari sa mga anak niya ‘yung bagay na hindi niya napigilan, I thought parang malas yata ako sa buhay. Pero gradually, naging open ako sa mga nangyayari," she adds.

‘Yung isa niya kasing anak rito, nabuntis ng maaga, samantalang ‘yung isa, na-in love sa kaibigan niya si Joey (Dina).

Very timely ang movie dahil maraming mga ganitong instances na nangyayari sa atin sa kasalukuyan. "Mabubuksan ang mga isip nila pag napanood nila ang pelikulang ‘to," pahabol niya.

Ang pelikula ay dinirek ni Marilou Diaz-Abaya at si Ricky Lee ang nagsulat ng script. The movie is set to kick off on August 30.

Show comments