Maraming lumabas na balita na maraming demands ang beteranang aktres na itinuring na isang malinaw na indikasyon na ayaw niyang bumalik ng Pilipinas at magtrabaho. Sa halip na makipag-negotiate pa sa kanya ay pinalitan na lamang siya ng produksyon kay Armida Siguion Reyna na isa rin namang magaling na aktres.
Ayon kay Direktor Aguiluz ay wala naman daw alok na tinatanggap si Ms. Rodriguez. Nakausap niya ito recently sapagkat iniimbita niyang dumalo ito sa kanyang gaganaping Makati Cinemanila International Filmfes (MCIFF) para tumanggap ng Lifetime Achievement Award. Tumanggi ito at sa halip ay hiniling na kung maaari ay ang kanyang apo na si Rada, isang solo singer na ngayon pero dating myembro ng grupong Kulay, ang tumanggap ng kanyang award pero, tumanggi si Direk Tikoy. Kung di raw mismo ang aktres ang tatanggap ng award ay hindi na lamang nila ito ibibigay.
Marami sanang local movies ang pwedeng makasali sa filmfest pero, walang mga subtitles ang mga ito. Ang nag-iisang bagong pelikula na mapapanood dito ay ang Keka ng Viva Films starring Katya Santos and Wendell Ramos.
Hindi raw pumayag ang Star Cinema na maipalabas sa festival ang Noon at Ngayon, isang obra ni Marilou Diaz Abaya na nagtatampok sa isang powerhouse cast led by Dina Bonnevie, Eula Valdez, Jean Garcia, Cherry Pie Picache, Laurice Guillen, Jericho Rosales at marami pang iba.
Matutulungan siya ng mga tagahanga niya na manalo sa pamamagitan ng pagboto ng "Jealous" through the website http://www. mtvasia.com o sa pamamagitan ng koreo via PO Box 1696 Makati Central Post Office 1256 Makati City. Pwede rin kayong mag-fax, para sa mga Smart subscribers, type MTV PILspace REGspaceUSER NAME and send to 688.
Ang debut album ni Nina na "Heaven" sa Warner Music Phils ay isa nang Platinum.
Kabilang sa mga malalaking ekslusibong episodes sa taong ito ang exposé ng drug trade sa Mabalacat, Pampanga. Ang mabilis na pag-aksyon ng Imbestigador ang nagsilbing daan upang maipa-alam kay PNP Provincial Director at Chief Supt. Rodolfo Mendoza ang suliranin at palitan ang pulis ng nasabing bayan na kasabwat sa katiwalian. Nakaabot din ito kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na naglunsad ng isang malawakang programa na magsusugpo sa drug trade sa bansa.
Noong nakaraang buwan, naging malaking tulong din ang programa upang masagip si "Elena," ang babaeng illegal na naditini sa Western Police Districts sub-station 5. Napag-alaman ng Imbestigador na si "Elena" ay biktima ng sexual assault ng mga mismong jailers nito. Muli, sa mabilis na pagtugon ng Imbestigador, nakatulong ang exposé upang makarating ang katiwalian kay DILG Sec. Joey Lina. Dahil din dito nailigtas si "Elena" at nadala sa Dept. of Social Welfare and Development.