Arnold Clavio, sinusulot ng Dos
July 24, 2003 | 12:00am
Balitang lilipat na sa ABS-CBN ang aming kaibigang si Arnold Clavio na napapanood sa Unang Hirit.
Tinawagan ito ni Atty. Dong Puno na siyang head ng ABS-CBN News and Public Affairs at inalok na lumipat sa Dos.
Knowing Arnold, loyal ito sa Siyete dahil bukod sa pagiging host ay may mataas pa rin itong posisyon sa network.
Pero may balitang ang lilipat sa Siyete ay si Noli de Castro dahil hindi raw makasundo ni Arlene (maybahay ni Noli) si Dong.
Naikwento sa amin ni Atty. Ariel Inton na co-host ni Imelda Papin sa bago nitong show na The Imelda Papin Show sa RPN 9 na katulong niya si Aiko Melendez bilang majority floor leader sa Quezon City Council. Magaling ang aktres ayon dito at maaasahan sa pagpapasa ng mga ordinansa bilang konsehal. Hindi siya magtataka kung magtagumpay itong public servant at manalo sakaling tumakbo sa mas mataas na posisyon.
Kahit saan magpunta ngayon si Alessandra de Rossi ay laging kasama si Oyo Boy Sotto. Kahit pa nga sa shooting nito sa Batis Aramin (Lucban, Quezon) ay naroon pa rin ang young actor, pagpapatunay lang na talagang may relasyon sila ni Alex.
Hiwalay na sila Alex at Polo Ravales kaya okey lang na makipagrelasyon ito sa iba.
May pambato na namang pelikula si Alex sa Metro Manila Film Festival Philippines titled The Homecoming.
Nalilinya ngayon sa mga pelikulang di nangangailangan ng paghuhubad ang sexy star na si Aubrey Miles. Katunayan, kumita sa takilya ang Sanib. May entry ito sa MMFFP 03 titled Gagamboy katambal si Vhong Navarro na isang comedy-fantasy movie.
Ayon sa aktres, nangangarap din siyang makawala sa bold image at magpaka-wholesome na. Natutuwa naman ito dahil puro pang-GP ang ginagawa niyang pelikula. Pero hindi naman nangangahulugang magpapalit siya ng image dahil ang katawan niya ang naging puhunan para tanggapin ng mga manonood lalo na ng mga kalalakihan. Payag pa rin itong ipakita ang katawan huwag lang frontal dahil may regular show na ito sa telebisyon-ang Masayang Tanghali Bayan.
May balitang kinaiinisan siya ng kasamahan sa MTB dahil sa pagiging primadonna. Pinabulaanan naman ito ni Aubrey at sinabing nagla-live sila sa programa kaya hindi pwedeng paghintayin ang ilang kasama roon. Never siyang naging primadonna at naniniwalang sinisiraan lang siya ng mga taong naiinggit sa kanya ayon pa sa seksing aktres.
Muli na namang mapapatunayan ng mag-amang Edu at Luis "Lucky" Manzano ang kanilang kakaibang father & son chemistry sa pinakabagong TV Ad ng Lucky Me! Pancit Canton.
Ang kanilang pagiging effortless, electric, enticing at rapport (onscreen and off) ay nakunan ng maigi sa nasabing TV ad.
Pinaliwanag ni Wen Santos, brand manager ng Lucky Me! Pancit Canton Original flavor kung bakit ang father-and-son team ang napili para mag-endorse sa naturang sikat na produkto:
"We often see them together on their TV shows and we realized that they are a perfect fit for the ad. Ang kanilang personalidad ay tugma sa produkto. Also, napuna rin namin na they are reinventing themselves, career-wise. Edu is now into News and Current Affairs, samantalang si Luis is now going full-blast sa kanyang hosting, veejaying at modeling. This is consistent with the story of Lucky Me! Pancit Canton which we are re-launching as something new, something better, something exciting. But more than anything else, ang nangingibabaw sa kanilang mga TV shows ay ang kanilang rapport, their intense closeness. At yun ang gusto rin naming ipahayag sa aming bagong ad, having simple, enjoyable bonding moments with family and friends."
Tinawagan ito ni Atty. Dong Puno na siyang head ng ABS-CBN News and Public Affairs at inalok na lumipat sa Dos.
Knowing Arnold, loyal ito sa Siyete dahil bukod sa pagiging host ay may mataas pa rin itong posisyon sa network.
Pero may balitang ang lilipat sa Siyete ay si Noli de Castro dahil hindi raw makasundo ni Arlene (maybahay ni Noli) si Dong.
Hiwalay na sila Alex at Polo Ravales kaya okey lang na makipagrelasyon ito sa iba.
May pambato na namang pelikula si Alex sa Metro Manila Film Festival Philippines titled The Homecoming.
Ayon sa aktres, nangangarap din siyang makawala sa bold image at magpaka-wholesome na. Natutuwa naman ito dahil puro pang-GP ang ginagawa niyang pelikula. Pero hindi naman nangangahulugang magpapalit siya ng image dahil ang katawan niya ang naging puhunan para tanggapin ng mga manonood lalo na ng mga kalalakihan. Payag pa rin itong ipakita ang katawan huwag lang frontal dahil may regular show na ito sa telebisyon-ang Masayang Tanghali Bayan.
May balitang kinaiinisan siya ng kasamahan sa MTB dahil sa pagiging primadonna. Pinabulaanan naman ito ni Aubrey at sinabing nagla-live sila sa programa kaya hindi pwedeng paghintayin ang ilang kasama roon. Never siyang naging primadonna at naniniwalang sinisiraan lang siya ng mga taong naiinggit sa kanya ayon pa sa seksing aktres.
Ang kanilang pagiging effortless, electric, enticing at rapport (onscreen and off) ay nakunan ng maigi sa nasabing TV ad.
Pinaliwanag ni Wen Santos, brand manager ng Lucky Me! Pancit Canton Original flavor kung bakit ang father-and-son team ang napili para mag-endorse sa naturang sikat na produkto:
"We often see them together on their TV shows and we realized that they are a perfect fit for the ad. Ang kanilang personalidad ay tugma sa produkto. Also, napuna rin namin na they are reinventing themselves, career-wise. Edu is now into News and Current Affairs, samantalang si Luis is now going full-blast sa kanyang hosting, veejaying at modeling. This is consistent with the story of Lucky Me! Pancit Canton which we are re-launching as something new, something better, something exciting. But more than anything else, ang nangingibabaw sa kanilang mga TV shows ay ang kanilang rapport, their intense closeness. At yun ang gusto rin naming ipahayag sa aming bagong ad, having simple, enjoyable bonding moments with family and friends."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended