"But before the take, talagang grabe ang nerbiyos ko. Ayan yung lumipad ang bag sa set. Nag-wine pa kami, kasi feeling ko masyadong bata si Echo for me. Pero nang bulungan siya ni Direk bigla niyang kinagat ang tenga ko," Dina confesses during the presscon of the said movie na ang original concept ay i-pattern sa Moral. But since nagkaroon ng problema sa negotations with the original cast nag-decide ang Star Cinema na kalimutan na lang ang Moral at gawin na lang itong ibang pelikula.
Anyway, open si Dina sa possibility na in real life, puwede siyang ma-in love sa younger men like Echo. "Kung kasing bait ni Echo, why not. Saka siyempre, yummy ha kasi bata," medyo natatawang sagot ni Dina.
In any case, si Direk Laurice at Lito Pimentel lang ang nakasama sa Noon at Ngayon na kasama sa Moral.
May kilala nga akong ex-couple na dedmahan to death dati, aba after the game okey na uli sila.
This is the first time na nagkaroon ng ganitong event sa Star Group of Publications. Kaya naman lahat yata ng sumali, particular na yung mga ka-opisina ko, buy pa ng bagong rubber shoes and jogging pants. Kaya tuloy nagtanong yung mga tindera sa Port Area Mall Center, "Bakit kaya maraming naghahanap ng jogging pants?"
Hindi kasi nila ini-expect na ganoon karami ang demand ng jogging pants. Sayang tuloy ang kita nila.
Yung iba naman, buy pa ng mura-murang rubber shoes. Kasi nga naman, once lang nila gagamitin so okey na nga naman yun.
Actually, sa sobrang excitement ng iba kong officemates, dito na sila natulog kasi nga raw baka ma-late sila sa call time na 6:30. Ganoon sila ka-excited.
By 5:00 oclock, gising na sila at unahan sa pag-aayos para pumunta sa venue, Rizal Memorial Oval.
Worth it naman yung ginawa nilang preparation, masaya ang lahat kahit nga kulelat ang team namin.
Nag-champion ang Blue Team at tie sa second and third place ang Red and Green Teams respectively.
Five lang lang kaming PSN staffer na kasama sa Yellow Team - me, Sir Al Pedroche, Mario Basco, Luchi Quintana and Jerry Madla na nawalan ng boses sa kaka-cheer.
Pero to top it all, hindi sa games mas na-thrill ang mga present sa nasabing olympics, kundi sa instant bonus na ibinigay ni Sir Miguel Belmonte, CEO and President ng Philippine Star. Imagine nga naman, nagkaroon ka na ng chance na maglaro at pawisan, nagka-pera ka pa.
Tapos na ang game, pero hanggang ngayon, hindi pa rin tapos ang asaran lalo na nga sa Yellow Team na before the game ay kinatatakutan ng lahat ng team.