Matatandaan na naging kontrobersyal ang pelikulang ito dahilan sa sinasabing sensuality workshop pero, di nababahala ang aktor dahil maganda ang unang proyektong gagawin niya.
Very timely ang pagpapaseksi ni Christian dahilan sa iilan lamang ang mga aktor na pumapayag magpakita ng katawan sa pelikula. At di hamak na may karapataan naman siya sa aspetong ito.
Kasabay niyang pumirma sa Seiko Films ang isa ring dating wholesome pero nagpasyang magpaseksi na rin na si Francine Prieto. Silang dalawa ang mga bagong contract stars ng naturang film outfit.
Sa Liberated na kung saan ay tampok din si Diana Zubiri, magsisimula ang pagbabagong bihis ng Seiko Films pagdating sa paggawa ng pelikula.
Sosi ang The Linden Suites. Mayroon itong isang warm pool na may salt water. Pagmamalaki nga ng naglibot sa amin na dun sa pool na yun na conceived ang kanyang baby. Sa nasabing hotel sila nag-honeymoon ng kanyang napangasawa.
Ang gaganda at napakaluluwang ng mga kwarto na affordable maging ng mga yuppies. Ang ikinaiba nito sa ibang mga hotel ay pwede kayong magluto ng sarili nyong pagkain kapag dun kayo tumuloy. Wala na kayong dadalhin, dahil daratnan nyo na sa kwarto ang mga gamit na kakailanganin nyo, stove, microwave, kitchen utensils, cutlery, toaster, linen kettle, coffee maker, etc.
Kung negosyante naman kayo, mayroon ditong electronic key card controlled access, dalawang IDD lines with voice mail system, modem port para sa internet access, facsimile machine, in room electronic safe. O di ba, parang bahay, pero, isang hotel dahil kapag nakatapos kayo ng gagawin nyo, ang kalat nyo, iimisin ng hotel people.
Umuwi lamang siya para tanggapin ang Peoples Choice Special Golden Globe Citation Award for Entertainment. Siya lamang ang nag-iisang Pilipino na tumanggap nito. Nagmamadali na siyang umalis sapagkat napakarami ng trabaho na dapat niyang gampanan sa Japan. Mayroon siyang concert sa Yumegi Lounge sa July 25, Romanza Theater para sa isang birthday party sa July 27 at sa Aug. 8 kasama ang Air Force Band para sa ispesyal na concert sa Fukuoka Koku Jeitai para kay Pres. Dr. Kenji Kuwano. May daily show din siya sa Club Chateaux at Grand Circus.