Mismong si Kris kasi ang nag-announce ng nasabing project. In fact, medyo na-shock pa nga raw si Edu dahil wala siyang idea sa nasabing project kung hindi pa ini-announce ni Kris nang mag-guest ito sa Showbiz Sabado last Saturday.
Besides, hanggang ngayon pala ay nagseselos pa rin si Senator Ralph Recto kay Edu. As in hanggang ngayon daw ay ayaw payagan ni Ralph na kahit sa pelikula ay mag-reconcile si Ate Vi at Edu ayon sa isang source ng Baby Talk.
Most probably isa rin ito sa mga rason kung bakit walang plano si Edu na tanggapin ang project. Baka nga naman magkaroon pa ng issue sa kanilang tatlo.
Saka may isang movie raw itong gagawin sa Viva Films.
Pero kung tutuusin, sayang din ang project na to dahil siya lang ang leading men nina Vi at Kris.
Pero dumating na sa bansa si Ate Vi last Tuesday pa kaya walang gustong maniwala sa issue. "Siguro naman kung totoo yun, hindi babalik ng bansa si Vi," react ng isang malapit sa actress.
Pero bakit kaya may ganitong balita? Baka naman issue na naman ito sa pulitika? Sabi naman ng isang friend ni Luis, wala raw alam ang anak ni Ate Vi.
Ilang beses na rin kasing nabalita na nakidnap si Ate Vi pero, wala lang, kwento-kwento lang pala. Baka ganito rin ang issue tungkol kay Ralph.
Bakit nga hindi, dahil sa mga mang-aawit na ito mas maging maya-man ang musikang likhang Pinoy. Maging ang mga Pilipino sa ibang bansa ay kanilang napapasaya dahil sa kanilang mga awitin na nagsimula mula noong 1970s.
At yan ay babalikan nila sa isang pagtatanghal na pinamagatang Greatest Hits... Just Once na nakatakda sa Agosto 2, Sabado sa Araneta Coliseum.
Nanatili bang magkakaibigan ang limang mang-aawit na ito sa paglipas nang mahabang panahon?
"Oo," sabi ni Hajji. "Yung rivalry namin noon, paramihan lang ng hits. But on a personal level, magkakaibigan talaga kami.
"Oo naman," pagsang-ayon ni Rico. "Ako ang kanilang parang point man. Nitong huli, nagkita-kita kami sa aking bar (Coricks), may show man o wala na dapat paghandaan. Kung sa rivalry naman namin noon, may pagkakataon na kailangang isara ang studio para hindi malaman kung ano ang inire-record namin," sabi ni Rico na medyo natatawa.
"Naging mas malapit kami sa isat isa dahil sa project na ito," sabi naman ni Marco.
Nagkaroon ba sila ng problema sa billing o di kayay pagpili ng kantang aawitin sa kanilang concert sa August 2?
"Wala. Alam mo, yung mga taong conscious sa billing, yun ang mga kasabay namin noong araw na wala na ngayon, hindi kami conscious diyan. Ang iniisip lang namin ngayon ay mapaganda ang show para masulit ang ibabayad ng manonood," sabi ni Hajji.
Makakasama nilang lima ang Viva Hot Babes at si Sarah Geronimo, na sinasabing susunod sa yapak ni Regine Velasquez.
Mabibili ang ticket sa halagang P100 at P250 sa Araneta Ticketnet, 911-5555; SM Ticketnet Outlet or Viva Concerts, 687-5853/687-6181 loc. 715 or 620/6871125.