Wendell, crush si Katya
July 21, 2003 | 12:00am
Binigyan ng star treatment si KC Concepcion nang itoy ipakilala sa media bilang bagong co-endorser ng kanyang mommy (Sharon Cuneta) ng pH Care products.
Hindi pa man nagsu-showbiz si KC ay may sarili na itong katangian bilang isang star.
Pagdating sa looks ni KC, hindi maiwasang ikumpara siya sa kanyang biological father na si Gabby Concepcion dahil spitting image sila ng kanyang ama. But more than her looks, matalino at very confident si KC sa kanyang sarili.
Samantala, paalis sa katapusan ng buwang ito si KC patungong Paris kung saan siya mag-aaral. Ihahatid siya roon ng mommy niya, her younger sister Frankie at lola niyang si Elaine Cuneta. Sasamahan muna siya roon ng mga ito hanggang sa pagsisimula ng klase sa September.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mawawalay siya sa kanyang pamilya lalung-lalo na sa mommy niya na parati niyang kasa-kasama.
During the launch, hindi nagkaroon ng pagkakataon si KC na makipagtsikahan sa mga dumating na entertainment writers pero nagkaroon naman sila ng ala-Conversation With Boy Abunda kaya marami ring napulot na impormasyon ang mga manunulat.
Inamin ni KC that she went out on dates with Piolo Pascual a couple of times pero klinaro niya na magkaibigan lang sila in the same manner na kaibigan din ang turing niya kay Luis (Lucky) Manzano.
Sinabi rin ng dalaga ni Sharon na hindi umano siya naniniwala sa ligawan.
Sa kabila na bata pa siya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang, naging normal naman daw ang kanyang childhood dahil madalas niyang kasa-kasama ang kanyang mga kamag-anak sa mother side.
Hindi rin ikinakaila ni KC that shes much closer sa kanyang step-dad na si Sen. Kiko Pangilinan kaysa kay Gabby Concepcion na naka-base ngayon sa San Francisco, California. Pero nagku-communicate naman umano ito sa kanya lately sa pamamagitan ng text.
Second time na ni Wendell Ramos na makatrabaho sa pelikula ang Viva Hot Babe na si Katya Santos. Una silang nagkasama sa Sex Drive na tinampukan din ni Maui Taylor at pangalawa naman nila itong upcoming movie ng Viva Films, ang Keka na tinatampukan din ng komedyanteng si Vhong Navarro mula sa direksyon ni Quark Henares.
Very vocal si Wendell sa pagsasabi na crush niya si Katya sa simula pa lamang ng pagsasama nila sa pelikulang Sex Drive at itoy hindi lingid sa kaalaman ng sexy star.
"Crush ko rin naman siya," baling naman ni Katya nang siya naman ang tanungin ng mga reporters.
Loveless ngayon si Katya dahil hiwalay na siya sa kanyang dating boyfriend na member ng Abstract Dancers na nasa Japan ngayon. Loveless din si Wendell dahil hiwalay na rin ito sa kanyang non-showbiz wife kung saan siya may isang anak na lalaki na mag-aapat na taong gulang na, si Wendell Saviour. Two years na ring hiwalay si Wendell sa kanyang dating misis. Eighteen lamang ang sexy actor nang siyay mag-asawa at tumagal lamang ng dalawang taon ang kanilang pagsasama.
Although comedy ang ginagawa niya sa telebisyon, pawang mga sexy movies naman ang ginagawa niya lately.
Sa mga sexy stars na nakatambal na niya, ibang-iba para sa kanya si Assunta.
"Iba ang rehistro niya sa screen at kapag umaarte siya, iba," pahayag ni Wendell.
Samantala, kahit hiwalay na si Wendell sa kanyang dating misis, wala umano silang problema pagdating sa kanilang anak.
Ipinagmamalaki ng sexy star na si Katya Santos ang kanyang bagong figure matapos siyang magpa-liposuction kay Dr. Vicki Belo. Nawala na ang mga unwanted fats ni Katya sa kanyang katawan kaya litaw na litaw na ngayon ang kanyang kaseksihan.
Happy si Katya sa kanyang bagong movie sa Viva, ang Keka dahil pwede umano itong panoorin ngayon ng mga bata di tulad ng kanyang mga naunang pelikula na pawang pang-R-18. May halong action, romance, violence, comedy at sexy scenes ang pelikula rolled into one.
Kasalukuyan niyang tinatapos ang Utang Ng Ama sa Maverick Films at sisimulan naman niya sa Viva ang Hot Balls at Dukot Queen.
Masaya ang buong cast ng Masamang Ugat ng Viva Films na pinangungunahan nina Eddie Garcia, Ace Vergel, Victor Neri at Mikey Arroyo kasama ang Viva Hot Babes na sina Maui Taylor at Gwen Garci dahil pumalo sa takilya ang nasabing pelikula nang itoy magbukas sa mga sinehan nung nakaraang Miyerkules, July 16.
First action movie for the year ng Viva Films ang Masamang Ugat na dinirek ni Willy Milan.
Dahil sa tagumpay ng Masamang Ugat mai-encourage ngayon ang Viva na muling mag-produce ng mga action movies.
Happy rin kami para kay Ace Vergel dahil comeback movie niya ito dahil matagal-tagal na ring panahong hindi siya gumagawa ng pelikula.
Email: [email protected]>
Hindi pa man nagsu-showbiz si KC ay may sarili na itong katangian bilang isang star.
Pagdating sa looks ni KC, hindi maiwasang ikumpara siya sa kanyang biological father na si Gabby Concepcion dahil spitting image sila ng kanyang ama. But more than her looks, matalino at very confident si KC sa kanyang sarili.
Samantala, paalis sa katapusan ng buwang ito si KC patungong Paris kung saan siya mag-aaral. Ihahatid siya roon ng mommy niya, her younger sister Frankie at lola niyang si Elaine Cuneta. Sasamahan muna siya roon ng mga ito hanggang sa pagsisimula ng klase sa September.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mawawalay siya sa kanyang pamilya lalung-lalo na sa mommy niya na parati niyang kasa-kasama.
During the launch, hindi nagkaroon ng pagkakataon si KC na makipagtsikahan sa mga dumating na entertainment writers pero nagkaroon naman sila ng ala-Conversation With Boy Abunda kaya marami ring napulot na impormasyon ang mga manunulat.
Inamin ni KC that she went out on dates with Piolo Pascual a couple of times pero klinaro niya na magkaibigan lang sila in the same manner na kaibigan din ang turing niya kay Luis (Lucky) Manzano.
Sinabi rin ng dalaga ni Sharon na hindi umano siya naniniwala sa ligawan.
Sa kabila na bata pa siya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang, naging normal naman daw ang kanyang childhood dahil madalas niyang kasa-kasama ang kanyang mga kamag-anak sa mother side.
Hindi rin ikinakaila ni KC that shes much closer sa kanyang step-dad na si Sen. Kiko Pangilinan kaysa kay Gabby Concepcion na naka-base ngayon sa San Francisco, California. Pero nagku-communicate naman umano ito sa kanya lately sa pamamagitan ng text.
Very vocal si Wendell sa pagsasabi na crush niya si Katya sa simula pa lamang ng pagsasama nila sa pelikulang Sex Drive at itoy hindi lingid sa kaalaman ng sexy star.
"Crush ko rin naman siya," baling naman ni Katya nang siya naman ang tanungin ng mga reporters.
Loveless ngayon si Katya dahil hiwalay na siya sa kanyang dating boyfriend na member ng Abstract Dancers na nasa Japan ngayon. Loveless din si Wendell dahil hiwalay na rin ito sa kanyang non-showbiz wife kung saan siya may isang anak na lalaki na mag-aapat na taong gulang na, si Wendell Saviour. Two years na ring hiwalay si Wendell sa kanyang dating misis. Eighteen lamang ang sexy actor nang siyay mag-asawa at tumagal lamang ng dalawang taon ang kanilang pagsasama.
Although comedy ang ginagawa niya sa telebisyon, pawang mga sexy movies naman ang ginagawa niya lately.
Sa mga sexy stars na nakatambal na niya, ibang-iba para sa kanya si Assunta.
"Iba ang rehistro niya sa screen at kapag umaarte siya, iba," pahayag ni Wendell.
Samantala, kahit hiwalay na si Wendell sa kanyang dating misis, wala umano silang problema pagdating sa kanilang anak.
Ipinagmamalaki ng sexy star na si Katya Santos ang kanyang bagong figure matapos siyang magpa-liposuction kay Dr. Vicki Belo. Nawala na ang mga unwanted fats ni Katya sa kanyang katawan kaya litaw na litaw na ngayon ang kanyang kaseksihan.
Happy si Katya sa kanyang bagong movie sa Viva, ang Keka dahil pwede umano itong panoorin ngayon ng mga bata di tulad ng kanyang mga naunang pelikula na pawang pang-R-18. May halong action, romance, violence, comedy at sexy scenes ang pelikula rolled into one.
Kasalukuyan niyang tinatapos ang Utang Ng Ama sa Maverick Films at sisimulan naman niya sa Viva ang Hot Balls at Dukot Queen.
First action movie for the year ng Viva Films ang Masamang Ugat na dinirek ni Willy Milan.
Dahil sa tagumpay ng Masamang Ugat mai-encourage ngayon ang Viva na muling mag-produce ng mga action movies.
Happy rin kami para kay Ace Vergel dahil comeback movie niya ito dahil matagal-tagal na ring panahong hindi siya gumagawa ng pelikula.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended